Viral na isang Maganda at Seksing Biker, Nalamang isa palang Matandang Lalaki na nasa Edad 50.

Lahat na yata ay pwedeng gawin sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya at mga application sa cellphone. Yung akala mong imposible ay posible pala sa tulong nga ng mga gadget na ito.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Isang halimbawa nga ang naging viral na larawan ng isang babaeng nagbibisikleta, marami ang napahanga sa kanyang mga larawan sa twitter na sobrang seksi sa kabila ng kanyang edad na nasa 50-anyos na.

Ngunit, ikinabigla ng lahat ng malamang siya pala ay isang matandang lalaki talaga at nasa edad 50 taong gulang na. Napakarami na niyang mga followers kung kaya naman hindi talaga makapaniwala ang lahat sa naging pagbubunyag na ito ng Japanese motorbike rider.

Mayroong higit sa 18,000 na followers sa Twitter si @azusagayuki. Madalas siyang kumukuha ng larawan sa tabi ng kaniyang Yamaha na motorbike at nagjojoyride din tulad ng ilang mga taong hobby ang pagmamaneho ng motorbike.


Ngunit tila hindi nagtagal ang kaniyang pagpapanggap nito nang may mga netizens na nakapansin sa larawang ibinahagi niya noong Pebrero 11. Sa rearview mirror kasi ay makikita na tila matandang lalaki ang kumuha ng naturang larawan.

Nakarating naman ito kaagad sa isang Japanese variety show na siyang humanap sa naturang biker sa Hokkaido. Sa “Monday Late Show” na umere noong Marso 15, lahat ay nagulat nang ipakita na ng rider ang tunay niyang hitsura matapos niyang hubarin ang kaniyang helmet.

Ang babaeng inaakala nilang napakaganda ay isa palang matandang lalaki. Blonde din ang buhok nito tulad ng mga larawan sa Twitter ngunit hindi talaga siya isang babae tulad ng inaakala ng marami.

Ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang si Souya at inamin naman niyang ginamit niya ang face-changing app upang mapalitan ang kaniyang mga orihinal na larawan sa Twitter at maging isang maganda at seksing babae na nasa 20’s ang edad.

“I want to share pictures of myself riding a motorcycle, but no one wants to see an old man,” Pagkukwento ni Souya.

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Loading...