Isang Ina, Di Napigilan ang Sarili at Tinulungan ang Anak na Magligpit ng Mesa nang Makitang Nahihirapan siya sa kaniyang Trabaho.

Ang isang magulang ay di kayang nakikitang nahihirapan ang kanilang mga anak, kahit pa nga sila ay matanda na handa paring tumulong sa mga anak nito.

Maraming ina ang naging selfless, na mas iniisip ang kapakanan ng kanilang mga anak kaysa sa kanilang sariling interest.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Kaya marami nga ang napahanga sa ginawa ng isang Ina na ito sa loob ng fastfood chain, kung paano niya tinulungan ang anak na nagtatrabaho bilang crew.

Marami ang nakapansin sa kwento na ito ng isang ina na lahat ay kayang gawin para sa kaniyang anak. Hindi maipagkakailang iba talaga ang pagmamahal at pagmamalasakit ng isang ina sa kaniyang anak.


Isang netizen na nakilala sa pangalang Rubie Lyn Mendoza ang nagbahagi sa social media ng ilang mga larawan ng kaniyang ina. Ang nanay na ito ay nakilala bilang si nanay Emilia. Nakuhanan ni Rubie Lyn na nagliligpit ng mesa ang kaniyang ina dahil gusto nitong tulungan ang kaniyang kapatid na si Jann na doon ay nagtatrabaho.

Kapansin-pansin kasi na napakaraming tao ng mga oras na iyon at talagang kailangan ni Jann ng tulong. Bibisitahin sana nila ang kaniyang kapatid ngunit masyado itong abala sa kaniyang trabaho ng mga oras na iyon.

Nagulat na lamang si Rubie Lyn dahil matapos niyang bumili ng kanilang makakain ay nakita na lamang niya ang kaniyang ina na nagliligpit ng mga kalat sa isang mahabang mesa. Dahil sa naantig siya sa ginawa ng kaniyang ina kung kaya naman kinuhanan niya ito ng larawan.

Marami din namang mga netizens ang natuwa at naantig sa kwento na ito ng mag-ina.

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Loading...