Pangarap na Magandang Pilikmata ng Dalaga, Muntik nang Mauwi sa Trahedya.

Sa panahon ngyaon na lahat ay pwede ng gawan ng paraan, dapat ay maging alerto din tayo kung ito ba ay nakakabuti sa atin o baka mas lalong ilagay tayo sa kapahamakan. Katulad nga na lamang sa isang babae na ito na sa kagustuhang maging maganda ang kanyang pilikmata, tila nauwi pa sa disgrasya.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Sa Facebook post ng ibinahagi ni AC Bundalian. Isa umanong may-ari ng isang beauty salon sa Angeles City na nagkaroon ng kliyenteng inirereklamo ang ipinakabit na eyelash extension.

Ayon sa kaniya, sobrang tigas na nito at tila nasobrahan sa ginamit na pandikit kaya magang maga na ang mata ng kaniyang kliyente.”Sobrang tigas, over sa glue. Medyo namamaga na eyes ni maam”


Nagababala rin ito sa mga netizens na nagnanais magpadagdag ng pilikmata na huwag basta basta magtiwala sa mga nag aalok na magkakabit ng eyelashes extension lalo na kung wala itong sapat na kaalaman na maglagay at magtanggal ng mga ito.

“Reminder!! Wag na wag po kayong magpapalashes kung yung lash tech nyo walang tamang kaalaman sa paglalagay at pag reremove.”

Panawagan naman nito na sana’y maging responsable naman ang mga nasa larangan ng ganitong negosyo at huwag basta basta kita lang ang habol sa mga customer.

“Maawa naman po kayo, hindi yung babarubalin nyo yung gawa basta kumita lang kayo. Walang natirang lashes kay maam sa left eye nya.”Kapansin pansin din ang komento ng isang netizen na lubos ang pasasalamat kay AC na kung hindi raw dahil sa kanya ay malamang iyak pa rin siya ng iyak sa sakit hanggang ngayon.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...