Mag-asawa na Ikinasal Kahapon, Naghiwalay Agad sa Gabi.

Ang pagpapakasal ay hindi lamang sa papel, kundi ito ay dapat isabuhay ng dalawang mag-asawa na dapat nilang gampanan hanggang sila’y nabubuhay.

Sa Pilipinas ay hindi pinahihintulutan ang “Divorce” kung kaya’t dapat maging sigurado sa gagawing desisyon na magpapakasal.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Kung kaya’t kapag may kinahakaharap na problema ang mag-asawa at mahirap solusyunan, tanging si Raffy Tulfo ang kanilang takbuhan.

Kagaya nga ng mag-asawang ito na dumulog sa programa ng Raffy Tulfo in Action ang asawang si Renie upang ipinawagan ang ginawang pag-iwan sa kanya ng misis nito na si Jaimleyn sa hindi malinaw na dahilan.

Anya pa ng asawang si Renie ay itinakas pa umano nito ang perang 10k na kanilang nakuha sa money dance ng kanilang kasal.

Hindi rin biro umano ang kanilang ginastos sa kanilang kasal dahil isinanla pa umano nila ang kanilang lupa upang matuloy lamang ang kanilang kasal at ipinambili ito ng lechon nagkakahalaga ang lahat ng kanilang inutang na gastos na mahigit 50K.


Kung hindi umano ito mababayaran ay tiyak na makukuha ang kanilang isinanlang lupa, humingi rin ng tulong ang mga kaanak ni Renie na sana’y matulungan sila ni Raffy Tulfo na mabigyan ng 50k upang matubos ang kanilang lupa.

Sa komento ng netizen sa videong napanuod ay pagkadismaya ang kanilang naikomento saad ng marami “an ang di ko gusto sa mga kapwa ko Pilipino. Magpapakasal ng wala namang budget. Tz ipapangutang. Magsasanla ng lupa o magbbenta ng kalabaw. Pagkatapos ng kasal, nganga. Dhil di nakakuha ng sapat na pambayad, tatakbo sa ibang tao o Kay Sir Raffy. Pwede nmn walang handaan kung walang panghanda. Sa Huwes, pwede magpakasal khit kayong dlawa lang at dalawang witness. Tz dine in kayo sa Jobee or Mang inasal. Tapos. Wala kayong iisiping utang.”

””Kapal naman ng mukha ng mga yan.. Wala palang pera papakasal tapos maghihiwalay…. Wag nyo na po tulungan yan… Mas marami pong deserve na tulungan kesa sa mga yan”

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Loading...