Pinay na Nagsilbi mula sa mga Amo, Anak at Apo sa Loob ng 33 Taon sa Wakas Nakauwi na habang nasa Wkeelchair na, Pamamaalam niya sa mga Amo nito naging Emosyonal.

Maswerteng maituturing kung nakatagpo ng mabubuting employer ang mga kababayan nating nasa ibang bansa, yaong itinuturing silang pamilya at yung iba nga ay inabot na ng ilang dekadang paninilbihan sa kanilang mga amo.

Halimbawa nga nito ay ang kababayan nating domestic helper  sa Saudi Arabia sa loob ng 33 taon at isang pamilya lamang ang kanyang pinagtatrabahuan.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Noong una, inatasan lamang siya na alagaan ang mga anak ng kaniyang amo. Ngunit, sa paglipas ng panahon at dahil na din sa unti-unting paglaki ng pamilya ng kaniyang amo, nanatili pa ding tapat at nakatuon ang Filipina sa kaniyang trabaho at hanggang sa mga apo na nito ang kaniyang inalagaan.

Sa video na ibinahagi ng Facebook user na si El Caballero Y Cuervo, makikita ang nakakaantig damdaming pamamaalam ng Filipina sa kaniyang employer na pinagtrabahuhan niya ng 33 na taon. Kaagad naman naging viral sa social media ang naturang video.


Nang malapit na siyang umalis ng bansa at makasama ang kanyang mga mahal sa buhay sa Pilipinas, hindi na napigilan ng kaniyang mga amo na maging emosyonal habang sinasamahan nila ang kanilang kasambahay, na tinuring na nilang pamilya, sa airport.

Sa nasabing video, makikita na isa isa sa mga amo ng Filipina ang lumalapit sa kaniya upang yakapin siya habang tumutulo ang mga luha ng mga ito sa kanilang pamamaalam dito. Sobrang higpit din ng yakap nila sa kaniyang yaya na siyang nag-alaga sa kanila ng ilang taon.

Narito ang kabuuang post:

“Nagpapaalam na ang isang Filipina OFW sa Middle East na nanilbihan bilang DH sa loob ng 33 na taon . Sya yung nag – alaga sa mga anak at apo ng kanyang amo simula pa ng mga bata sila . Naka wheelchair na po cya . Mabuhay po kayo nay idol ka namin dito.

Yung Amo pa niya ang nagtulak sa kanya habang nasa Airport.

Grabe yung iyakan nila ng kanyang Amo Habang Namamaalam.

Mabuhay po kayo nanay at maraming salamat sa serbesyo mo sa kanila, isa lang ang ibig sabihin nyan na isa kang tunay na huwarang OFW na dapat ipagmalaki sa lahat.”

Walang kasiguraduhan kapag nagtatrabaho ka sa ibang bansa. Hindi ka makakasigurado kung makakatagpo o magkakaroon ka ng amo na kasing bait ng amo ng babaeng ito. Gayunpaman, ang magandang bagay tungkol sa pagpunta sa ibang bansa ay ang katotohanan na kinaya mo ang hirap at sakripisyo para sa kapakanan ng iyong pamilya. Handa kang makipagsapalaran upang matugunan lamang ang pangangailangan ng iyong mga mahal sa buhay.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...