Nakakabilib, Isang Pinay American Pilot ang Nagawang Paliparin ang Eroplano Gamit ang mga Paa Lamang, Kinilala siya ng Guinness World Record

Marami ang nangangarap na maging isang piloto dahil sa isa itong maganda at kahanga-hangang propesyon. Subalit, tulad nga ng iba, ang pagpasok dito ay hindi madali dahil dumadaan ito sa masusing training at medyu may kamahalan ang pag-aaral ng ganitong kurso.

Ngunit, sa taong nangangarap at positibo ang pananaw sa buhay, hindi imposible na makamit ang iyong gusto basta’t ito’y pinagsikapan mo. Dahil wala sa antas ng buhay at pisikal na kaanyuan ang magiging batayan sa pagkamit mo ng iyong pangarap.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Pinatunayan ito ng isang Pinay-American na piloto na hindi hadlang ang kanyang kapansanan upang makamit niya ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay. Paano kaya nagagawa ng babaeng ito na maging kamay ang kanyang mga paa sa kanyang pang-araw-araw na buhay.  Narito ang kanyang kwento:

Si Jessica Cox ay isang babaeng Pinay-American na walang braso mula nang siya ay ipanganak. Ngunit, hindi ito naging hadlang mula sa paggawa ng mga bagay sa kanyang buhay. Hindi rin ito naging dahilan upang hindi niya matapos ang kanyang pag-aaral. Ang ama ni Jessica ay isang retiradong guro ng banda habang ang yumaong ina ay isang nurse. Siya ang pangalawang panganay sa kanyang dalawa pang ibang mga kapatid. Si Jessica lamang sa kanilang pamilya ang ipinanganak na walang braso.


Ayon kay Jessica, bata palang daw siya ay natutunan na niya ang taekwondo at maging isang black belter pagkalipas ng apat na taon. Sa edad na 17 taong gulang, nakakuha na siya ng lisensya sa pagmamaneho at natutunan kung paano kontrolin ang manibela gamit ang kanyang mga paa lamang. Noong siya ay 22 taong gulang, kumuha siya ng pagsasanay sa pagpapalipad at nakatanggap siya ng isang lisensya pagiging pilot pagkalipas ng tatlong taon.

Kinilala si Jessica ng Guinness World Record bilang unang pilotong babae na nakapagpalipad ng eroplano gamit lamang ang kanyang mga paa. Bukod sa paggawa ng mga pambihirang bagay, mahusay din siya sa mga outdoor activities tulad ng surfing, scuba diving, at horseback riding.

Nakakamangha na sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagagawa rin niyang mapangalagaan ang kanyang sarili. Dahil nagawa niya ang mga pang-araw-araw na mga gawain tulad ng pag-aayos ng pagsisipilyo, pagmamake-up, pag-aayos ng buhok, paglalagay ng mga contact lens, pagtali ng kanyang mga sapatos, at kahit na pagta-type gamit ang kanyang mga daliri. May talento pa siya sa pagtugtog ng piano.

Noong siya ay bata pa, madalas daw magtanong si Jessica sa kanyang ina, kung bakit siya ginawa ng Diyos sa ganitong paraan. Ang sagot naman daw ng kanyang ina, na ang Diyos ay may higit na plano para sa kanya. Aminado si Jessica na kung wala ang kanyang suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya ay hindi siya magiging matagumpay na tao ngayon.

Tunay ngang walang impossible sa taong determinadong maabot ang kanyang pangarap. Nawa’y maging isang inspirasyon si Jessica sa lahat ng taong may kapansanan na pilit inaabot ang kanilang mga pangarap.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

 

Loading...