Matandang Food Panda Rider, Naaksidente sa Oras ng Trabaho, Nagtamo ng Maraming Sugat.

Dahil sa hirap ng buhay ngayon lalo pa’t mayroong pandemya, naging mahirap ang kabuhayan ng ating kababayan. Imbes na nasa bahay ang mga matatanda dahil sa prone sila na kapitan ng virus, sila ngayon ay makikita mo sa kalsada, nagbabanat din ng buto para may mapakain sa pamilya.

Ngunit, nakakaluha kapag nakita mo silang hirap na hirap sa kanilang kalagayan at wala din tayong magawa dahil pareho din nila tayong nagsusumikap para may panlagay sa lamesa para sa ating pamilya.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Katulad na lamang ni Lolo na isa pang food panda rider sa kabila ng katandaan, siya ay si tatay Edgardo Evesa. Mahirap man, pero pilit niyang kinakaya at nakipag-sabayan sa mga motorista sa kalsada.

Sa hirap ng buhay ngayon ay sinubukan ni tatay Edgardo na magtrabaho sa isang kompanya na kung tawagin ay Food Panda na kung saan ay naghahatid ito ng mga order na pagkain ng mga customer gamit ang kanyang motorsiklo.

Ngunit isang araw sa kahabaan ng kanyang tinatahak na daan ay hindi inaasahan na may mangyari sa kanyang hindi maganda at siya nga ay naaksidente.

Kumalat sa social media ang mga larawan ni tatay Edgardo na duguan at may mga malalaking gasgas sa kanyang magkakaibang bahagi ng kanyang katawan.

Makikita si tatay Edgardo na nakasuot ng facemask na may sugat ito sa kanyang ulo at punit ang kanyang suot na pantalon dahil sa kanyang pagkatumba sa motorsiklo.


Naging sentro ng atensyon si tatay Edgardo sa daan dahil sa nangyari sa kanya at agad naman na rumesponde ang ilang kapwa nito rider upang tulungan si tatay.

Makikita sa mga larawan na inaalalayan siya ng isang lalaking rider habang nakatayo sa may center island.

Mapapansin ang mga natamong sugat ni tatay Edgardo na tila malala at parang nahihilo pa ito kung kaya nakaalalay lang ang isang lalaki.

Dahil sa nangyari kay tatay Edgardo ay dumagsa ang tulong sa kanya mula sa mga netizens na nakakita sa nangyari sa matanda.

Nag-viral sa social media ang nangyaring ito sa matanda kung kaya naman maraming pinoy at mga kababayan natin na OFW ang nais rin mabigay ng tulong kay tatay.

Sa update ng anak ni tatay ay kasalukyan ng humihilom ang sugat nito sa noo at binti at napatingnan na rin nila sa ospital.

Wala naman dapat ikabahala dahil maayos na umano ang lagay nito at nagpapagaling na lang.

Labis-labis rin ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga tumulong sa kanilang tatay.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...