Magsasaka sa Iloilo, Naiyak sa Ligaya ng Makatanggap ng Kalabaw mula sa Nagpanggap na Pulubi.

Ganun nalang ang iyak ni tatay dahil hindi niya inaasahan na sa simpleng nagawa niya ay kapalit nito ang matagal ng pangarap niya na kalabaw. Talaga ngang kapag gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo ay may susukli din saiyo.

Bigay ng isang kilalang vlogger na si Lucky ang kalabaw na matagal ng pangarap ni tatay upang magamit sa pagsasaka sa Iloilo.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Sa panayam kay tatay na kinilala kay Richard Gonzales, pangarap niyang magkaroon ng kalabaw upang mas mapadali ang kanyang trabaho. Mano-mano lang kasi na naghuhukay ng lupa para magtanim.

Walang choice si tatay dahil hikahos sila sa buhay at dahil mahal ang kalabaw ay hindi siya makabili. Kwento niya, naibenta rin ang ilang bahagi ng kanilang lupa ng magkasakit ang kanyang ina. Kaya naman si tatay ay todo kayod rin para sa kanyang pamilya.


Kadalasang itinatanim ni tatay Richard ay mga palay, mais at gulay. Katuwang niya sa pagsasaka ang kanyang anak. Nang maghanap ang vlogger na si Lucky ng mapagbibigyan ng kalabaw, natagpuan niya si tatay.

Kilala ang vlogger na si Lucky na gumagawa ng social experiment. Sa video na ibinahagi ng KMJS, makikita na nagpapanggap munang pulubi ang vlogger at kapag may tumulong sa kanya ay saka niya ibabalik rin ang tulong.

Kadalasan ay namimigay siya ng pera sa mga taong nagpapakita ng malasakit sa kanya. May isang matanda sa Cebu na nagtitinda ng kandila na nakatanggap ng P20,000. Sa Bohol naman ay nagtato siya ng isang maliit na grocery store kung saan lahat ng bumibili ay walang bayad.

Nagpanggap rin muna ang vlogger ng magkita sila ni tatay Richard. Humingi siya ng tubig sa lalaki at hindi naman siya nabigo dahil pagbalik nito ay may dala na itong inumin at sinamahan pa ng pagkain.


Kaya hindi na ipinatagal ni Lucky ang pagsukli sa kabutihan ni tatay at ibinigay na niya ang kanyang handog na sorpresa para rito. Nang maibigay na niya ang kalabaw ay laking pasasalamat ni tatay Richard.

Napaiyak na rin si tatay sa sobrang kaligayahan. Aniya, napakalaking tulong ng kalabaw para sa kanyang kanya at sa kanyang pamilya.

Naantig naman ang mga netizen sa kwento ni tatay. Saad nila na masaya sila dahil siya ang mapalad na napili para makatanggap ng kalabaw. Nagpasalamat rin sila sa kabutihan ng vlogger dahil tumutulong ito sa mga taong kapos palad.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...