Lolong Nangangalakal, Di Nagdalawang Isip na Itulong ang Natirang P5.00 Kahit Pa Ninakawan Ito.

Ang pagkakaroon ng ginintuang puso ay isang kayamanan na maituturing ng karamihan, dahil hindi lahat ay may mabuting puso sa kanilang kapwa, kapag naging mabuti ka sa iba, maraming tao rin ang magiging maayos sa iyo at ibabalik kung ano man ang pinapakita mo.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Kaya ang pagbibigay ng tulong sa kapwa ay hindi nakabatay sa dami ng ating yaman, ito ay sa laman ng ating puso kung gaano natin sila ka mahal at handang magbigay ng tulong kahit pa man tayo ay sala’t din sa buhay.

Ang pagtutulungan ay siyang malakas na sandata upang labanan ang ano mang uri ng problema, basta’t tayo ay kumikilos at lumalaban sa hamon ng buhay, tayo rin ay magtatagumpay.

Halimbawa nga nito ay si Lolo Jowie na nasa 70-anyos na at sa kabila ng kanyang katandaan siya ay namamasura pa rin at umaasa ng kahit kaunting kita para may maiuuwing pangkain at ulam sa pamilya.


Isa sa pinakamabiyayang araw kung maituturing ng matanda ang pagkakataong nararamdaman niyang hindi siya kailanman  pinababayaan ng Maykapal nang biglang ibinalik sa kanya ng doble doble ang malaking pabor mula sa kanyang taos pusong pagtulong sa isang Good Samaritan na si Shewin Lim, na nagpanggap humingi sa kanya ng pang-Gas.

Nadaanan ng kilalang mabuting negosyante na si Lim si Lolo Jowie sa lansangan dala-dala ang mga naipong mapapakinabangan at maibebentang mga basura at kalakal. Dito niya nasubok kung gaano kalaki ang puso ng matanda nang hindi ito nagdalawang isip tumulong at ibigay ang lahat ng natitirang barya nito para iabot sa kanya.

“Ito, may limang piso pa ako dito. Wala naman problema yun. May Diyos tayo,”

Naantig si Lim sa kabutihan ng matanda, na mas piniling itulong ang natirang barya sa bulsa kahit pa mahirap niyang kitain ang mga ito. Barya-barya man ngunit malaking halaga para sa kanila bawat piso.

“Minsan kasi may mga nagbibigay din naman sa akin,” mahinang sagot ni Lolo Jowie

“So kung ikaw binibigyan ka ng iba, so ikaw din nagbibigay. Domino effect no, ang galing ng Panginoon,”

Kumikita ang matanda sa kanyang maghapong pamamasura ng P150-P200 kada-araw. At minsan may mga nag aabot rin ng tulong sa kanya. Ngunit kahit paman sa liit ng kanyang kinikita sa maghapong pagpapagod ay minsan nabiktima rin siya ng mga magnanakaw.

“Kagabi natulog ako. Ninakaw yung bag ko. Bente pesos nalang kinuha pa. Importante yung mga ID ko.”

Mas lalo pang humanga si Lim dahil kahit pa ninakawan na ang matanda sa kayang maliit na kita, ay pinili niya paring tumulong sa iba. Kaya ginantihan niya rin ito ng kabutihan at doble-dobleng biyaya.

“Ninakawan na kana tapos binibigyan mo pa ako, ano ng matitira sayo? Baka mas kailangan mo to? May pambili ka pang pagkain?

Abot langit ang ngiti at pasasalamat ni Lolo Jowie sa malaking halagang bumalik sa kanya kapalit ng limang pisong itinulong niya.

“Kahit na mahirap kitain binigyan mo ako, so tutumbasan ko yun. Pag tumulong sa ka sa kapwa mo mas higit pa dun darating sayo,”

“Mag-iingat ka palagi Tay. Pagpalain ka ng Panginoon at wag kang tumigil maging mabuting tao.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...