Groom, Nabigla ng Mag Face-Reveal ang Kanyang Asawa, Di Niya Inakala ang Tunay na Itsura ng Minamahal Niya.

Ang tunay na kagandahan daw ng isang tao ay hindi sa kanyang pisikal na kaanyuan, pero aminin man natin o hindi, ang pisikal na kaanyuan ng tao ang siyang unang naging batayan ng iilan kung magugustuhan ba nila ito.

Tila mabilis lamang sabihin na wag husgahan ang tao sa panlabas niyang anyo, pero ito ang nakikita natin ngayon na realidad sa mundo. At ang magandang kaugalian naman ang siyang nagpapatatag sa pagsasama ng bawat tao.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Kamakailan lamang ay mayroong isang video ng babae at lalaking tila bagong kasal. Nakasuot sila ng suit at wedding gown.


Ngunit mayroong kakaiba sa babae. Medyo kulubot kasi ang kaniyang balat, sa unang tingin ay tila isang matanda o isang babaeng mayroong sakit sa balat.

Ngunit habang nagpapatuloy ang video na mayroon nang libo-libong views ay mapapansin ang pagtatanggal niya ng kaniyang tila isang prosthetic makeup. Marami ang nasorpresa sa naging reaksyon ng lalaki na marahil ay nobyo o asawa ng babae sa video.


Gulat na gulat ito at tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakita. Tila ba tanggap na niya ang unang mukha ng kaniyang minamahal ngunit labis pa rin niyang ikinagulat ang totoong hitsura nito.


Marami din namang mga netizens ang nagsasabing hindi na mahalaga ang hitsura ng babae dahil halata naman sa kaniyang minamahal na lalaki na tanggap siya nito. Napakapalad niya dahil mayroong isang lalaking nagmamahal at tanggap siya sa kung ano siya at kung ano ang kaniyang tunay na hitsura.

Patunay lamang ito na posible pa rin palang may magmahal sa atin kahit na mayroon tayong hindi kaaya-ayang hitsura. Tulad na lamang ng magkasintahan na ito sa video.

Tiyak na mas magiging matatag na sila ngayon at mas mamahalin ang isa’t-isa dahil sa tanggap nila ng buong-buo ang isa’t-isa.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...