Customer, Nagwala at Sinigawan, Dinuro-duro at Nambato ng Masasakit na Salita sa Isang Crew ng Kilalang Fastfood.

Ang pagiging isang crew sa mga fastfood chain ay isang marangal na trabaho na kinakailangang e respeto. Sila ay tao rin na katulad natin nagbabanat ng buto para may pang suporta sa kanilang pamilya.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Hindi ibig sabihin na tayo ay customer, ay palagi nalang tayo ang nasa tama. Mayroon ding mga batas at ahensya ng Pamahalaan na poporotekta sa kanilang karapatan. Kung kaya’t sana ay mabigyan ng tulong ang mga kababayan nating naging tampulan ng pangmamaliit ng iilan din nating kababayan.

Katulad na lamang po sa nangyaring ito sa isang crew ng kilalang fastfood, nakunan ng video ng ilang mga netizens at ngayon nga ay mabilis itong kumalat sa social media at umani ng di magagandang reaksyon sa mga naka saksi.

Tila iinit din ang iyong katawan kapag napanuod mo ang video na ito kung saan ay sinigaw-sigawan at minura pa ng customer ang isang crew , masasakit na salita ang kanyang ibinato sa kawawang babaeng crew.

Dahil sa ipinakitang maling asal ng customer ay agad nanamang umalingasaw sa social media ang pangyayaring ito.

Makikita sa video na sinisigawan, dinuro-duro at pinagsabihan ng masasakit na salita ng customer ang kawawang crew ng Mang Inasal.

Marami na ang nakapanuod ng video at talaga namang nangangalaiti sila sa inasal ng customer na ito.
Maging umano ang guard ng nasabing kainan ay hindi rin nakaligtas at sinabihan din ng nagmamagaling na customer na ito.

 

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...