Binata na Excited sa Binili na iPhone Online, Nabigla sa Dumating na Order na Nakalagay sa Malaking Kahon.

Dahil sa pandemya ay maraming nawalan ng trabaho kung kaya’t may mga bagong pakulo rin ang mga business owner kung paano makakatulong sa mga nawalan ng trabaho at maihatid sa bawat tahanan ang pangangailangan ng hindi na makalabas sa kanilang bahay.

Naging uso ang mga orders online ng kahit anong uri ng paninda, maging sa grocery, technology, medisina at pagkain. Subalit kaakibat din nito ang malaking risk na pwedeng maloko ng mga taong may masamang hangarin dahil sa hindi natin makikita ng personal ang mga inorder online.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Isa ang Lazada at Shopee sa mga online shopping site na talagang kinawiwilihan ngayon ng marami.


Ngunit, sa kabila ng advantages na hatid ng paggamit ng mga online shopping site, mayroon din itong mga disadvantages tulad ng ibang produkto o malayo sa larawan nito ang maide-deliver sayo.

Katulad na lamang ng naging karanasan ng binata na ito na nag-order ng cellphone sa online.

Sa post ng binata, sinabi niya na naengganyo siyang bilhan ang iPhone dahil sa murang halaga nito kahit pa mayroong kamahalan ang shipping fee.

Makalipas ang ilang araw ay dumating na nga sa kanilang bahay ang order.

Ayon sa kaniya, noong una daw ay nagtataka siya kung bakit nasa malaking kahon ang kaniyang order ngunit nang buksan niya ito ay laking gulat na lamang siya sa nakita niyang laman nito.

Ang laman kasi ng malaking kahon na dumating sa kanilang bahay ay isang iPhone na halos kalahati na ng kaniyang katawan.

Ang na-order pala ng binata sa online ay hindi cellphone, kundi isang coffee table na hugis iPhone lamang! Hindi alam ng binata kung siya ba ay magagalit o matatawa sa kaniyang natanggap dahil hindi niya ito inasahan.

Samantala, kaagad na nag-viral sa social media ang post ng binata at umani ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Patunay lamang ito na dapat na maging mapanuri tayo sa lahat ng ating bibilhin online. Dapat siguraduhin na mapagkakatiwalaan ang bibilhan na store at tignan muna ang mga reviews ng produkto na nais bilhin para makaiwas sa mga pekeng gamit.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...