Batang Nalaglagan ng Tsinelas sa Bangin, Agad na Tinulungan ng Determinadong PATO, Mga Netizen Napabilib.

Sa oras ng pangangailangan hindi lamang sa kapwa natin tao tayo umaasa dahil ang mga hayop sa ating paligid ay pwede palang magbigay ng tulong sa atin.

Ang mga hayop na ito ay katulad ng aso, pusa mga ibon, na tila nga ay mayroon pag-iisip na katulad ng sa tao dahil sila ay nakakaintindi kapag inutusan mo ito.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Ngunit, sa eksenang itatampok natin, ang tumulong sa bata ay hindi aso, pusa o ibon kundi isang pato. Tila kakaiba nga ang kwentong ito pero nagbigay ng positibong pananaw para sa mga taong nagbabasa ng kanilang karanasan.

Isang batang lalaki ang hindi sinasadyang mailaglag ang kanyang tsinelas sa isang maliit na bangin. Nakuhanan ng video ni Myla Aguila ang pangyayaring ito habang siya ay patungo sa kaniyang tirahan sa Sitio Madaguldol nang araw ding iyon.


 

Dahil sa talagang nakakaaliw ang kaniyang nasaksihan ay kaagad niya itong vinideo. Ibinahagi rin niya ito sa kaniyang Facebook account kung kaya naman marami ding mga netizens ang natuwa rito.

Habang pinapanuod niya ang bata ay nakita niya rin ang pato na tila isang tao at pilit na tinutuka ang tsinelas. Pinipilit pala nitong kuhanin ang tsinelas ng bata.

 

Nang magtagumpay siya sa pagkuha nito ay kaagad niyang inabot sa batang tahimik na naghihintay. Talaga namang labis na natuwa si Myla dahil hindi niya lubos akalain na ang gagawin ito ng isang hayop.

Nagpakita ng kabutihan at pagkakawang-gawa ang pato na madalas nating makita sa mga tao lamang. Minsan nga ay nakakalungkot pang isipin dahil mayroong iilan sa atin na hindi na kayang gawin ito sa ngayon sa kanilang kapwa tao.

 

Kung marami ang makakapanuod nito, tiyak na mas maraming tao pa ang maeengganyo na tumulong at gumawa ng mabuti para sa kanilang kapwa. Tila ba nagpapaalala ang video na ito na kung ang isang munting pato ay kayang gumawa ng kabutihan sa isang tao, tiyak na magagawa din natin itong gawin araw-araw.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...