Mga Divers, Nagulat sa Nadiskubreng Chinese Porcelain Dishes sa Ilalim ng dagat sa Isla ng Palawan.

Marami pa tayong mga nakakamanghang bagay na makikita sa ilalim ng dagat, ang iba ay ngayon nga lamang na diskubre at sa kanilang patuloy na pagsisisid marami pang mga nakakamanghang bagay ang kanilang makikita.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Isa na nga rito ang naging usap-usapang pagkadiskubre sa mga pinggan at mangkok sa Lena Shoal sa hilagang kanluran ng Busuanga Island, hilagang bahagi ng Palawan. Ayon sa ulat, kulay asul at puti ang mga pinggan na may iba’t ibang uri ng disenyo at itinuturing na umano ang mga ito na isa sa mga National Cultural Treasure (NCT).

Batay sa post ng National Museum of the Philippines, dalawang ceramic pieces pa lang ang nadidiskubreng may flying elephant design. Nakuha ang isa sa mga ito sa Jingdezhen, Jiangxi Province sa China.


Matapos ipost ng National Museum of the Philippines ang tungkol dito, maraming mga netizens ang nabahala dahil baka ginaya lamang ito ng mga Chinese.

Ang blue and white porcelain pottery ay pinaniniwalaang nagsimula sa Iraq subalit ito ay naimport at ginaya umano ng mga Chinese.

Gumawa umano sila ng sarili nilang mga kagamitang gawa sa porselana at pinalamutian ng asul na mga disenyo katulad ng bulaklak, dragon, ibon, Chinese characters at kasama narin ang ‘flying elephant.’

Ang flying elephant ay isang sagradong simbolo sa usaping relihiyon lalo na sa Budismo, kaya naging matunog na usapin ang pagkakadiskubre sa mga platong ito.

Ang flying elephant ay sumisimbolo umano sa ginagamit na sasakyan ni Samantabhadra, “Bodhisattva of Universal Benevolence” sa Tibethan Buddhism.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...