Barkong Nasunog ng Higit 100 Taong Nakalipas, Isa na Ngayong Paboritong Tourist Attraction

Ang kagandahan ng isang bagay ay hindi mo masasabi na dapat ito ay bagong gawa, bagong bili at bagong tayong imprastraktura, dahil minsan ang mga magagandang bagay o tanawin ay nagawa lamang bunga ng mga insidente na hindi natin inaasahan.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

May paraan ang ating kalikasan na kahit ang mga masasamang panahon na nagdaan ay nagagawa nitong maging maganda. Katulad nalang ng sirang lumang barko na “SS City of Adelaide”.

Ang barko ay unang tinawag na “City of Adelaide”, isang pampasaherong barko na ginawa nuong 1863 sa Glasgow, Scotland. Ang pampasaherong barko ay bumabyahe sa maraming lugar kabilang na ang Melbourne, Sydney, Honolulu at San Francisco sa California USA.


luma at sirang barko

Ang pampasaherong barko ay napakapag serbisyo ng maraming taon bago ito i-convert sa isang barkong pang cargo nuong 1890. Ngunit nuong 1912, habang bumabyahe, ang barko ay nasunog at inabot ng ilang araw bago na-apula ang apoy.

Kahit nasunog na ito, meron paring bumili ng barko nuong 1915, nabili ito ng nagnganganlang George Butler, sya ang unang European na naging residente ng Magnetic Island sa Townsville, Australia. Pagkatapos mabili, ibiniyahe ito mula Townsville papuntang Picnic Bay hanggang makapunta sa Magnetic Island’s Cockle Bay at duon na ito nanatili hanggang tubuan na ito ng mga damo at puno.

Ngayon ay tinuturing na itong magandang Tourist Attraction sa Australia. Libo-libo ang nagpupuntang mga tourista kada taon para makita ang sirang barko. Ang lumang sirang barko ay mapupuntahan gamit ang bangka, ito ay nasa 300 meters ang layo sa pangpang at kapag low-tide ay madali itong puntahan dahil mababa ang tubig at lumalabas na ang buong katawan ng barko.

Ang “SS City of Adelaide” ay isang katunayan na merong mga bagay na kahit tapos ng pakinabangan ay hindi pa tapos ang kanilang kapakibanganan. Sa una ay isang pampasaherong barko lamang ngunit pagdaan ng panahon, nagbibigay na ito ng magandang atraksyon sa mga tao.

 

 

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...