Tatang, Naabutang Umiiyak, Niloko at Kinuha Daw ang ATM Pension at Ngayon ay Natutulog na Lamang sa Lansangan.

Parang kinukurot din ang damdamin natin kapag tuwing may mababasa tayong pang-aabus0 na ginagawa sa kababayan natin lalo na sa mga walang kalaban-laban nating kababayan, tulad nga ng mga bata at matatanda.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Kahit mahirap ang buhay, nagsusumikap tayo sa mabuting paraan na magtrabaho at kumita ng salapi, at paghandaan din ang ating kinabukasan. Ngunit bakit may mga tao na mapanakit at umaasa na lamang sa paggawa ng hindi mabuti upang mabuhay.

Katulad na lamang po sa naranasan ni Tatang na sobrang nakakapanlumo, siya ay natagpuan ng grupo ng mga vloggers na kinilalang Bench TV. Nakita nila si tatang na nasa ilalim lamang ng puno at nasa kalsada kahit na madilim na at papuntang gabi, kanila itong kinausap at inalam ang sitwasyon, diyan pala matutulog si tatang at di pa alam ang pupuntahan.

Wala na kasi itong pamilyang uuwian at hindi narin niya alam kung nasaan pa ang kaniyang mga pamilya o maging ang mga kapatid, may pension rin umanong natatanggap ang matanda ngunit sa kadahilanan ay kinuha sa kaniya ito ng isang tao at sinanla upang pagkaperahan.

Hindi na nakilala ni Tatang kung sino yung taong yun, baka ito daw yung kumopkop sa kaniya, dag-dag pa ni tatay ay dahil sa kaniyang pagtatrabaho noong araw ay hindi na nagawa nitong makapag-asawa at tanging paghahanap buhay lamang ang kanyang nabigyang atensyon.


Dag-dag pa nito ay dahil sa kaniyang pagtulong narin sa mga anak ng kaniyang mga kapatid at pamangkin ay tumanda itong binata hindi nag laon ay namaalam narin ang kaniyang mga kapatid dahil narin sa katandaan tanging siya nalamang ang naiwang buhay sa kanilang magkakapatid. hindi rin tukoy ni tatay kung nasaan ang kaniyang mga pamangkin upang siya’y matulungan.

Sana nga ay may makapansin kay Tatang at makuha ito ng kanyang naiwang mga pamilya o pamangkin man lamang dahil pwedeng magkasakit ito kapag mananatili lamang sa lansangan.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...