Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

Si Willie Revillame ay isang kilalang personalidad sa larangan ng showbiz, isa siyang magaling na aktor, komedyante at ngayon ay host sa kanyang TV show. Nagmula rin sa mahirap na buhay kung kaya’t ramdam din niya ang hirap ng mga kababayan nating sumasali sa kanyang palabas.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Marami mang mga kapareha ang dumating sa kanyang buhay, pero sa ngayon ay wala pang napabalitang kanyang maging kasama sa habambuhay. Mayroon siyang apat na anak at ang panganay ay nakisali na rin sa showbiz pero ang di alam ng kanyang fans na may unico hijo pala ito.

Nakilala na din ang dalawa pa niyang anak na babae sina Louise Anne, at Marimonte. At kamakailan nga lamang ay pinakilala na din sa publiko ni Kuya Wil ang bunso at unico hijo niyang si Juan Emmanuel.

Ipinakilala ni Willie Revillame sa publiko ang kanyang anak na si Juamee sa “Tutok To Win” segment ng “Wowowin.Si Juamee ay anak ni Willie sa dating asawang si Liz Almoro.


Ani ng TV host at ipinakita ang nag-iisang anak na lalaki sa camera, “At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame.”

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa kanilang pagpapakasal sa isang civil rite sa Batanggas noong March 2005 ngunit na-annul din ito noong 2008 matapos magsampa ng petisyon sa korte si Liz upang ideklarang walang bisa ang kanilang kasal. Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ni Liz si Whammy ngunit pinapayagan naman niyang bisitahin ni Willie ang kanilang anak sa tuwing siya ay mayroong oras.

Sa ngayon si Liz ay mayroon na ring asawa Sinabi naman ni Willie na siniguro na niyang naihanda na niya lahat ng kailangan ng kaniyang mga anak, lalo na ang mga bagay na kailangan nila sa hinaharap.

Nakakabonding din niya ang kanyang mga anak at sinisigurado niyang maging malapit siya sa mga ito.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

 

 

Loading...