Pag Ginusto, May Paraan! Isang Nanay ang Nagsadyang Magpaturo Sa Guro Para Maturuan Din ang Anak Sa Kaniyang Module.

Malaki ang naging epekto ng pandemyang nanalasa sa buong mundo, marami ang nawalan ng trabaho, nawalan ng mahal sa buhay at nahinto sa kanilang mga pangarap. Ngunit, upang maipagpatuloy naman ang pag-aaral ng mga kabataan isa sa naging solusyon ng DepEd ay ang pagsagawa ng online classes at modular naman para sa mga malalayong lugar na di abot ng mga signal.

Para naman sa mga magulang, mas lalo silang nahihirapan dahil karamihan sa kanila ay hindi rin marunong kung paano nga ba sagutan ang module ng mga anak. Sila kasi ang gagabay at magtuturo sa mga anak nila ng sa ganun ay mayroon silang natututunan habang sila ay nasa kanilang mga bahay.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Isa nga itong malaking hamon para sa mga magulang na hindi rin nakapagtapos, kung paano nga nila tuturuan ang kanilang mga anak. Pero ayon nga sa kasabihan,“Kung gusto ay may paraan, kung ayaw naman ay marami din ang dahilan”.

Kagaya nga ng ginawa ng isang Nanay na ito, na ibinahagi ng facebook page na DepEd Tayo Imus City. Nasa ika-anim na baitang ang batang si Ralph Jonas Pardeno. Pero dahil ang kanyang ama ay isang contractual driver na sumasahod lamang ng minimum wage at ang kanyang ina ay isang full time housewife, wala silang sapat na pera para sana sa pambili ng cellphone at magpalagay ng internet sa bahay.


Kung kaya’t ang napili nilang paraan sa pag-aaral ng kanilang anak ay modular learning. Pero dahil ang mga magulang ni Ralph ay high school lamang ang natapos, malaking pagsubok ang kinakaharap ng kanyang ina para maturuan siya sa kanyang mga aralin. Kaya naman ang ina na si Josephine Pardeno ay inihanda ang kanyang sarili sa kakaharaping obligasyon nito pero hindi niya sukat akalain na ganoon na pala kahirap ang mga aralin sa Grade 6 lalo na sa Mathematics.

Kung kaya’t naglakas loob siyang humingi ng tulong kay teacher Arly Flores, isang guro sa Math. Nagpaturo si Josephine sa guro para maibahagi niya ang kanyang nalaman sa kanyang anak na si Ralph at para magabayan niya ito sa pagsagot sa kanilang module. Binigyan rin siya nga mga notes para hindi siya malito.

Wika ng guro,

“Na-appreciate ko ang kanyang ginawa. Maraming magulang ang nahihirapan pero bukod tangi siyang nagsadya pa dito sa school para magpaturo. Tanda na committed talaga siya sa kanyang tungkulin. Sana all.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...