Magkapatid, Sabay na Nagbuntis at Nanganak ng Kambal na Ikinabigla ng Lahat Dahil sa Parehong Lalaki Lamang.

Bihira lamang ang mga babaeng nabubuntis ng kambal, ito ay minsan nasa kanilang mga lahi at yung paliwanag nga ng syensya. Mahirap nga na magkaroon ng dalawang anak na magkasabay iluwal pero di hamak naman na kaligayahan para sa mag-asawa ang magkaroon ng kambal.

Kung marami kang pera katulad nga ni Joel Cruz na mayroon ng ilang pares ng kambal, posible mangyari ito ngunit kung mahirap lang tayo ay malaking biyaya na ito sa atin.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Ngunit kamakailan ay naging matunog ang usapin sa social media patungkol sa magkapatid na parehong buntis at parehong kambal, sila ay mula sa Ohio, USA. Marami ang nabigla sa ganitong pangyayari at dinagdagan pa ng malamang ang ama ng mga kambal ay iisa lang pala na lalaki.


Ayon sa kwento ay sinubukan na daw ni Anne at ng kaniyang asawa ang ibat-ibang paraan dahil sa limang taon nilang pagiging kasal, hindi pa rin sila nagkakaanak. Matagal nang gusto ni Anne na maging isang ina ngunit dahil sa hindi magandang kondisyon nito, palaging nauudlot ang kaniyang pagbubuntis na naging dahilan upang panghinaan siya ng loob.

Nakita ni Chris ang sitwasyon ng kaniyang kapatid at ng asawa nito kaya sobra siyang naging alala, kaya naman kinausap niya ito na maaaring siya na lang ang magbuntis para sa kaniyang kapatid. “I can pregnant for you, ani ni Chris. Dahil sa narinig niyang balita, nabuhay ulit ng loob si Anne na subukan ulit ito. Nilagyan ng doktor ang mga egg cell ni Anne ng semilya ng kaniyang asawa para makabuo ng isang embryo at nilagay niya ito sa katawan ng magkapatid na babae. Sa wakas, parehas na nabuntis ang magkapatid na sina Chris at Anne. At hindi lang iyon, nagdadalang-tao silang dalawa ng kambal.

Sa paglaki ng sanggol sa kanilang sinapupunan, naisipan nilang manganak sa parehong araw. Sa kabutihang palad, nanganak si Chris ng dalawang lalaki at si Anne namay nagbigay buhay sa dalawang babae. Matagal nang hiling ni Anne na maging isang ina, kaya naman ngayon, apat na bata na ang kaniyang aalagaan at matatawag na anak. Sa wakas, natupad na rin ang kaniyang pangarap na maging ina. Sobra ang kasiyahan ni Anne at sobra rin ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang kapatid.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

 

Loading...