Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Wala ng sasarap pa sa pakiramdam kapag naabot mo ang iyong inaasam mula sa iyong sariling pagsisikap. Marami na tayong nasaksihang mga estorya ng buhay kung saan marami ang nagtagumpay dulot ng kanilang sariling pawis.

Marami ang naging working student, mayroong pinagsasabay ang pag-aaral habang naglalako ng mga paninda, yung iba ay security guard kung umaga at estudyante kapag gabi.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Si Melvin Osabel Buracho naman ay isang tapasero sa tubuhan na ngayon ay nakapagtapos na sa kanyang pag-aaral. Ito na rin daw ang kinagisnang hanapbuhay ng kaniyang pamilya. Talagang batid mo ang hirap ng ganitong trabaho, init at lamig ang iyong mararanasan sa araw-araw kaya naging inspirasyon ni Melvin ang pamilya upang maiahon sa kahirapan.

Nagtapos si Melvin bilang Guro, ngunit may problema din siyang kinakaharap lalo pa’t di pala sang-ayon ang kanyang ama at di siya sinusuportahan na maabot ang pangarap niya.Ngunit sa kabila¬† nito ay di pinakinggan ni Melvin at pinilit pa ring makapagtapoas ng kanyang pag-aaral. Hindi naging maganda ang kanilang pagsasama magbuhat ng ipagpatuloy ni Melvin ang kanyang pag-aaral hanggang sa binawi√•n na ng buhay ang kanyang ama.


Gayunpaman, hinihiling pa rin ni Melvin na sana ay matanggap na ng kanyang ama ang naging desisyon niya dahil hindi lamang umano para sa kanya ang mga ginagawa niya dahil para rin sa ikauunlad ng kanilang pamilya.

Nakapagtapos si Melvin bilang Bachelor of Elementary Education Major in General Education at naging Topnotcher sa Licensure Exam for Teachers nitong Disyembre.

“Patawad Tay kung naging mabigat ang loob niya sa pag-abot ng aking mga pangarap. Hindi na po ako galit sa inyo at nawa ay nauunawaan niya rin na ginagawa ko ito hindi lamang para sa sarili ko kundi para kay nanay at mga kapatid ko. Mahal kita Tay at sana masaya ka sa naging bunga ng aking pag-aaral,” mensahe ni Melvin sa kanyang ama.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

 

Loading...