Isang Sundalo na Nakipagkita sa Unang Pagkakataon sa kanyang ka Penpal, Hindi Makapaniwala sa Kanyang Na Meet-Up Ngunit May Twist Pala sa Huli.

Noong unang panahon, kahit pa man hindi pa gaanong maunlad ang ating teknolohiya may mga pamamaraan na rin kung paano nakikipag communicate ang ating mga kababayan at isa na nga rito ay ang pagpapadala ng sulat sa pamamagitan ng mga post offices.

Ang pamamaraan na ito ay nagbigay kilig din sa iilan nating kababayan at ito ay tinatawag nilang PenPal. Ito ay ang pagpapalitan ng liham ng dalawang taong hindi pa nagkakilala ng lubusan at nagkaharap sa personal na buhay, kaya naging kaabang-abang ang araw kung saan nakatakdang magtagpo na ang dalawa.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Isa ngang halimbawa nito ay ang kwento ng dalawang magka Penpal na ito, isang sundalo ang lalaki, heto po:

Kinilala ang dalawa bilang si David at Kylie, Si David 27 taong gulang at isa siyang sundalo.

Ayon kay David ay nakatanggap daw siya ng isang liham mula sa isang babae na nagngangalang Kylie, kaya naman ang ginawa daw niya ay sumulat siya pabalik at doon daw nagsimula ang kanilang hindi matapos na pagpapalitan ng sulat.


Dahil daw sa kanilang pagsusulatan ay hindi nagtagal ay nahulog daw ang loob nila para sa isa`t-isa. Ilang buwan lang din daw ang lumipas ay hindi na nakatiis si David kaya naman humiling siya na makipagkita si Kylie sa personal. At doon napagdesisyunan nila na mag kita sa Luneta Park pagkatapos lumabas ni David mula sa kanilang kampo.

Pin by Tessa Walsh on ~*~ Dear John ~*~ | Old letters, Handwritten letters, Envelope art

At dumating ang araw ng kanilang pagkikita, Nang araw na yon ay maraming tao sa kanilang napiling tagpuan na Luneta Park.

Dahil maraming tao ay sinabi ni David sa kanyang ka penpal na si Kylie na sabihin nito ang suot na damit para hindi mahirapan sa paghahanap. Sinabi naman ni Kylie na ang kanyang suot ay bulaklaking bestida, hindi naman nagtagal sa paghahanap si David ay nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng bulaklaking bestida at naka sumbrero.

Tinawag niya agad itong Kylie at ng lumingon ang babaeng nakabistida ay nakita ni David ang isang ginang na tinatayang nasa 40 taong gulang. Para makumpirma ni David kung si Kylie nga ito ay agad niyang tinatanong ito at ngumiti naman ang ginang bilang senyales na siya nga ang babaeng kasulatan ni David.

Pumuntan naman sila sa isang restaurant at kahit ganoon ang nangyari at hindi inaasahan ni david ang kanyang nakita ay naging maginoo pa rin siya sa Ginang.

Ngunit habang magkasama si David at ang ginang ay may tila napansin si David at pinagtataka kung bakit pangiti-ngiti lamang ito.

Tinanong tuloy ni David ang ginang kung may kailangan ba ito ngunit tawa lang ang naging sagot ng ginang at hindi nagtagal ay inaming hindi siya si Kylie at ina raw siya ni Kylie ginawa lang daw niya iyon dahil gusto daw niyang subukan si David dahil iyon daw ang unang pagkikita ni David at Kylie.

Ilang sandali lang ay nagpakita na ang tunay na Kylie at agad niyang pinuntahan si David at binati. Hindi naman makapaniwala si David at laking gulat niya na isa palang napakagandang dalaga si Kylie at doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Pahayag naman ni David ay sa tuwing kanyang maalala ang nangyari sa kanila ay natatawa pa rin siya. Samantala ngayon ay patuloy pa rin nagsasama si David at Kylie at mayroon na rin silang tatlong anak. Pinagtagpo nga sila sa kakaibang paraan at nagbunga ito ng matamis na pagmamahalan.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...