Isang Ama, Karga-Karga ang 1 Taong Gulang na Anak Habang Naglalako ng Taho, Dahil Iniwan ng Asawa, Kinaawaan ng mga Netizens.

Mabilis na kumalat ang mga larawan ng mag-amang nagtitinda ng taho at kanyang dala-dala rin ang anak nito sa paglalako. Kinilala ang taho vendor na si Richard Paclibare at talaga ngang nag viral ang kanilang larawan.

Marami kasi ang naantig sa larawan ng mag-ama kung kaya’t may mga gustong magpa-abot ng tulong sa kanila. Makikitang pasan pasan ni Richard ang anak nito habang bitbit rin ang taho na paninda nito.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Nakita umano ito ng netizen na si Jam Perry Branch na siya namang nagbahagi ng larawan ng mag-ama sa social media upang maihingi ito ng tulong.

Taho vendor na pasan ang isang taong gulang na anak habang naglalako, dinagsa ng tulong

Labis daw umanong nahabag si Jam sa sitwasyon ng taho vendor at anak nito at hindi biro ang hirap na kinahaharap nila araw-araw.


Nakarating na rin ito sa programa ni Raffy Tulfo na ‘Wanted sa Radyo.

Isang Tatay, Karga-karga ang Maliit na Anak Habang Naglalako ng Taho

Nang malaman ni Tulfo ang kalagayan ng mag-ama naawa at humanga rin siya sa kabilang banda sa ipinakikitang katatagan ni Richard.

Mas lalo pang natunaw ang puso ni Tulfo nang malamang iniwan pala si Richard ng kanyang misis pagka-panganak sa ngayo’y isang taong gulang nilang anak. Dahil dito, walang ibang aasahan si Richard na mag-alaga sa anak kaya naman kasa-kasama na niya ito sa araw-araw niyang paglalako. Minabuti ni Tulfo na bigyan ng food cart business si Richard nang sa gayon ay hindi na ito mahirapan sa pagbubuhat ng malalaking lata ng taho.

Isang Tatay, Karga-karga ang Maliit na Anak Habang Naglalako ng Taho

Bukod dito, bibigyan pa niya ito ng mga grocery items at tulong pinansyal para maibsan ang hirap na dinaranas nito.

Isang Magtataho bitbit ang kanyang isang taong gulang na anak habang naglalako,hinangaan ng maraming netizens - Bangkang Papel

Sa ganitong paraan, mas maayos niyang mababantayan ang anak na malamang ay nahihirapan din sa posisyon nito sa pagpasan ng ama. Bago pa man makarating sa programa ni Tulfo ang kalagayan ni Richard, sinabi ni Jam na mayroong mga netizens na nagpaabot na ng tulong sa mag-ama kaya nagpasalamat siya sa mga ito. Sinabi rin niyang nakarating na ang mga tulong ng netizens sa mag-ama.

Narito ang video:

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...