Iniwang Sulat ng Isang Customer Sa Restaurant Na Madalas Nilang Puntahan, Nagpa-iyak sa mga Staff at netizens.

Wala ng mas sasakit pa kapag iniwan ka na ng taong akala mo ay sa kanya umiikot ang buong buhay mo. Kung sa bawat oras ay magkasama kayo, sa bawat lugar ay makikita mo ang kanyang anino, di hamak na sakit ang dulot nito sa iyong puso.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Katulad nga ng isang pangyayari kung saan pati mga netizens ay nadurog ang damdamin dahil sa ginawa ng babae sa isang restaurant.

Mayroon daw na iniwan na sulat ang babae para pala sa kanyang yumaong kasintahan at ito ay nakalagay katabi ng dalawang tasa ng kape, ang isa ay wala ng laman at ang isang tasa ay hindi pa natikman.

Narito po ang nakalagay sa sulat:

“Alex, oh ayan. Tinupad ko na isang usapan natin na magkape ulit dito sa Kanto, kaso ako na lang. Paalam, mahal ko. Hanggang sa muli nating pagkikita. Salamat sa lahat ng ala-ala dito sa Kanto. Rest in peace my loves.”

Ang isang staff ng restaurant ay kinuhanan ng larawan ang naturang sulat at ibinahagi ito sa social media.

Sinabi ng co-owner at operations head ng restaurant na si Paul Corpuz na ang babae na siyang nag-iwan ng sulat at ang partner nito ay madalas nilang maging customer sa Kanto Freestyle Breakfast.


Binisita niya kamakailan lamang ang isa sa kanilang mga branch at laking gulat ng staff na ito ay pumunta sa naturang restaurant ng mag-isa.

Ayon kay Corpuz, um-order ang babae ng dalawang kape. Tinanong pa nga ng kanilang staff ang babae kung nais nito na ipainit ang kape kapag dumating na ang partner nito nang bigla na lamang umiyak ang babae. Noong umalis umano ito, nag-iwan ito ng sulat sa lamesa na siyang nagpadurog sa puso nila.

Aniya,

She ordered two coffees. Our staff even asked if [she] wants to re-steam the coffee once sir comes in. Then, the girl started to cry. And when she left, they found the note and they (staff) also started crying.”

Saad ni Corpuz, umaasa silang muling mapagsisilbihan ang babae at mapagaan ang kaniyang loob kung sakali man na siya ay bumisita mula sa restaurant.

Pagbabahagi niya,

“Gave them instructions to serve with a smile and kamustahin siya when ever she visits. Do the extra mile to make her feel better.”

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...