“Childhood Sweethearts” Muling Nagkita Makalipas ang 20 na Taon, Hindi Inaasahan na Mauuwi Sa KASALAN ang Kanilang Muling Pagtatagpo.

Isa sa masayang ala-ala ng iyong kabataan ay yung mga panahong nag-aaral ka at mayroon kang mga kaklase na tinutukso sa iyo. Dito nabubuo ang tinatawag na puppy love na minsan nga ay sinasabi nilang kanilang first love.

Dahil nga sa mga bata pa at wala pang masyadong alam sa mundo, ito ay hindi seryuso dahil sa pagdaan ng panahon maaaring ang inyong nararamdaman sa isa’t-isa ay maglaho. Tila hindi kumpleto ang iyong chilhood memories kapag hindi ka nga nakaranas ng mga ganitong yugto sa iyong buhay.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Pero may mga pangyayaring yung taong minahal mo noon, ay siya palang iyong makatuluyan, at tinatawag nga nila itong destiny. Totoo nga kaya?

Ito po ang naging kwento ng buhay ng mag-asawa ngayong Edil John at Melodie Lanticse. “Childhood sweethearts” silang dalawa noon ngunit nang kinailangang lumipat ng tirahan nina Melodie ay nawalan na rin sila ng komunikasyon. Sinong mag-aakala na makalipas ang halos dalawang dekada ay muli silang magkikita at ang pagkikita nilang ito ay magiging dahilan upang madugtungan ang kanilang naudlot na pagmamahalan at nauwi nga sa kasalan.


Naging viral nga  ang kwento ni Edil at Melodie na kapwa 32 taong gulang na. Ikinasal sila sa Cebu City nito lamang Enero 28, 2021.

Mayroong larawan ang bagong kasal noong mga bata pa sila kung saan makikitang tila nagnanakaw ng halik si Edil kay Melodie. Muli nilang ginawa ito at ngayon nga ay sa kanila mismong kasal. Marami ang kinilig sa kanilang kwento. Ibinahagi ni Melodie na pareho silang pumasok sa iisang eskwelahan ni Edil noon ngunit nito lamang 2017 nang muli silang nagkita.

Sa Facebook sila muling nagkaroon ng komunikasyon ngunit bilang isang magkababata o magkaibigan lamang. Dahil sa naging komunikasyon at pag-uusap nila ay muling nabuhay ang matamis na pagtingin nila sa isa’t-isa.

Sa ngayon ay masayang nagsasama ang dalawa at naniniwalang sila ang nakatadhana sa isa’t-isa, dahil sa tagal ng panahon, muli silang pinagtagpo at pinag-isa ng Diyos.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...