Babaeng Pasahero, Viral, Dahil sa Ipinagmaneho Nito ang Matandang Taxi Driver na Sobrang Antok.

Isa nga sa mode of transportation dito sa bansa ay ang mga taxi, ito ay medyu may kamahalan dahil limited lamang ang pwedeng maisakay at kung gusto mong may privacy sa ibang mga nag ko-commute araw-araw.

Lingid sa kaalaman ng iba na ang mga taxi drivers ay maaga pang gumigising upang makapgsimulang magbyahe at maabot ang qouta ng mayroon silang ma e remit sa may-ari at sa kanilang pamilya. Kaya di maiiwasan yung ibang driver ay antok lalo na kapag may edad na.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Kaya isang kaganapan kamakailan na ibinahagi sa social media at ito nga ay nag viral, laman nito ay ang netizen na si Cristina Tan Villanueva, ang pasahero ng naturang taxi na siya daw ang nagmaneho dahil sobrang antok ang 70-anyos na driver, kaya marami ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon sa ginawa ni cristina.

Kwento nya ay habang nasa byahe sila, bigla na lamang sinabi ng taxi driver na ililipat sya ng taxi dahil hindi na daw nito umano kayang magmaneho sa sobrang antok. Sagot naman ni Cristina ay delikado naman daw kung ibaba nalang sya kung saan at baka hindi pa sya agad makahanap ng masasakyan, kaya naman ay sinabi nalang nya sa taxi driver na sya nalamang ang mag maneho.


Noong una ay nag dalawang isip pa ang taxi driver kung marunong ba talaga syang magmaneho ng sasakyan, pero hindi kalaunan ay pumayag nadin ito. Habang sya ang namamaneho ay nakatulog na ang matandang taxi driver, may mga pagkakataon daw na pinapara sila ngunit kapag nakikita na sya ang mamaneho ay nagugulat sila.

70 yrs old na daw ang matandang taxi driver, at ayon dito ay panahon pa daw ni Marcos ay nag da drive na sya ng taxi. Puro babae din daw umano ang kanyang mga anak kaya naghahanap buhay parin sya hanggang ngayon. Nang makarating na sila sa bahay nila Cristina ay tsaka na lamang niya ginising ang driver.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...