Abot-Tenga ang Mga Ngiti ni Lolo Dahil sa Sorpresang Regalong Kanyang Hinila Na Nagpa-antig sa mga Netizens.

Tuwing may kaarawan, maraming nagsulputan na mga pakulo upang sorpresahin ang mga celebrator, sikat nga ang mga money cake, money bouquet, car rent surprises at kung ano-ano pa.

Ngunit sa mga hindi naman afford ang ganuong mga sorpresa, mayroon naman silang kakaibang paraan pero walang humpay na kaligayahan ang hatid sa mga may kaarawan, ika nga hindi naman sa halaga nakasalalay ang kaligayahan ng isang tao kundi sa presensya at halagang inyong pinapakita sa kanila na hindi matutumbasan ng ano mang salapi.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Katulad ni Lolo na nagviral kamakailan dahil abot tenga ang kanyang ngiti sa natanggap na regalo sa kaarawan nito. Malaking biyaya na ang tingin ni lolo rito. Sa simpleng mga pagkain na kanyang pangangailangan sa araw-araw ay isa nang biyaya ang makatanggap noon.

Maraming netizen ang na-touch dahil sa tugon ni lolo habang hinihila ang pinagdugtong na grocery items. Isang patunay na simple lang ang kaligayahan ni lolo. At dahil rito ay naghatid ng tuwa sa puso ng mga netizen. Marahil kontento na ang matanda sa kanyang buhay kaya naman sa simpleng regalo ay naghatid na ng tuwa para sa kanya.


Isang inspirasyon na maituturing si lolo sa karamihan. Dahil isa itong paalala sa atin na maging mapagpasalamat tayo sa mga maliit na bagay na ating natatanggap mula sa Maykapal.

Samantala, ang laman ng natanggap na regalo ni lolo ay mga sabon, biskwit, kape, gatas, toothpaste, shampoo at may kaunting kalakip na pera.

Nagbigay naman ang mga netizen ng birthday wish para kay Lolo. Masaya sila na makitang masayang masaya si lolo sa kanyang natanggap. Hangad nila ay bigyan pa ng magandang kalusugan at makatanggap pa ng maraming biyaya.

Kaya ang pagbibigay ng regalo sa ating pamilya ay hindi dapat pa bonggahan, ito ay dapat galing sa puso at alam nilang inyong pinaghirapan.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...