39-Anyos na Ginang Nag-aaral Bilang Grade 9, at Bitbit pa ang Anak sa araw-araw na Pagpasok hanggang sa mga Reporting nito Sa Paaralan.

Isa sa mga habilin ng ating mga magulang na bigyang halaga ang edukasyon dahil ito ang tanging kayamanan na hindi mananakaw ng sinoman. Kaya kahit may edad na ay walang pwedeng humadlang sa taong gustong makapagtapos ng pag-aaral.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Isang magandang halimbawa pa nito ay ang ginang na mula sa Davao del Sur na ayon sa post ng isang netizen na kinilala kay Zion Pore, ang isang 35-anyos na ginang ay kasalukuyang nag-aaral bilang grade 9 student.

May tatlong anak ang nasabing ginang ayon kay Pore , si Pore ay isang Department of Education (DepEd) employee at kasalukuyan siyang nagsasagawa ng class observation nung araw na yun. Nagtatrabaho sa Davao ang asawa ng grade 9 na ginang at sobrang hirap daw ng kanilang buhay kaya’t habang nagkukwento ito ay di maiwasang maiyak din sa mga nararanasan niya sa buhay.



She shared about her life and her struggles, that made her teary eyed (her husband works in Davao to support the family, so she’s literally alone in raising the kids),” sabi ni Pore sa kanyang post.

Ayon sa pakikipanayam ni Pore sa babae, nasa parehong eskwelahan din sila ng panganay niyang anak na nasa Grade 7 pa lamang. Ang isa ay nasa elementary habang ang bunso niya ay bitbit niya araw-araw sa eskwela tuwing pumapasok siya.

Kwento ng babae, siya raw mismo ang nagpursige na pumasok ng eskwelahan. Nag-enrol daw ito agad nang malaman ang early enrollment ng DepEd.

Humanga si Pore sa determinasyon ng babaeng makapagtapos ng pag-aaral sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap. Kaya pagkatapos ng klase ay binigyan niya ito ng papuri.

“after the class, I went straight to her, congratulated her and told her to keep pressing on. Padayon. You’re truly an inspiration ❤️”

Umani naman ng paghanga mula sa mga netizens ang kwento ng babae. Ito raw ay isang inspirasyon at dapat tularan ng mga kabataan at mga taong nawawalan ng pag-asang makapagtapos ng pag-aaral.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Loading...