Sinakripisyo Ng Kanyang Ama Ang Buong Buhay Nito Mapagtapos Lamang Ang Kanyang Anak Sa Pag-aaral, at Heto nga ang Ipinalit ng kanyang Anak.

Ang edukasyon ay isang kayamanang kailanman ay hindi mananakaw sa atin, kung kayat maraming mga magulang ang naglalaan ng pera at lakas upang maibigay ito sa kanilang mga anak.

May mga magulang na parang hindi na natutulog sa kakatrabaho upang mapag-aral lamang ang kanilang mga anak, ang iba naman ay halos inuubos na lahat ng ari-ariang natira sa kanila para sa pag-aaral ng mga anak nila.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Aminadong magastos ang  pagpap-aaral ng bata. Dahil bukod sa baon, tuition fees, at iba pang miscellaneous expenses ay napakarami pang ibang binayaran na mga projects. Kaya talagang laking pasasalamat natin sa ating mga magulang ang ginawa nilang sakripisyo maitaguyod lang tayo.

Katulad na lamang ng isang inspiring na kwentong ito ng isang ulirang ama na itinaguyod niyang mag-isa ang pag-aaral ng kanyang anak hanggang makatapos ito ng kolehiyo.

Ang mag-amang ito ay taga Thailand, at ang kanyang ama ay isang magsasaka. Ang lahat ng kinikita ng kanyang ama sa pagsasaka ay ipinupundar niya para sa ikabubuhay at sa pag-aaral ng kanyang anak.



Nang magsimula nang tumuntong sa kolehiyo ang kanyang anak, ginawa ng ama ay ibinenta nito ang lahat ng kanyang mga ari-arian upang mabayaran lang ang tuition fee at iba pang gastusin sa eskwelahan.

Dahil sa pagsisikap at sakripisyo ng ama, sa kabutihang palad ay nakapag-graduate ang kanyang anak sa Ratchptr University sa Chiang Rai, Northern Thailand. Kahit hirap sa buhay, isa itong napakalaking achievement sa mag-ama dahil sila ay nagmula rin sa isang mahirap na village na karamihan sa mga tao doon ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Sa araw ng kanyang graduation, pinost ng anak ang picture nila ng kanyang ama. Makikita na ang kanyang ama ay marumi at walang sapin sa paa. Ngunit proud na proud pa rin ang anak at saludo siya sa kasipagan ng kanyang ama.

Narito ang naging pahayag ng anak:

“A poor farmer supported his son to complete his graduation. My father is my biggest pride.”

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...