Lola na Maysakit at Nakaratay sa Sahig ng Halos 4 na Taon sa Bundok, Walang Sapat na Pagkain at Kuryente.

Naging kaawa-awa ang kalagayan ng isang Lola na nasa 84 anyos na ang edad na nakatira sa kabundukan ng Antipolo, Rizal. Siya ay kinilalang si Lola Marilyn Leonez at ayon nga sa ulat ng GMA Public affairs, halos apat na taon ng nakaratay ito at walang ano mang aksyong medikal ang naibigay kay lola.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

May be an image of 1 person and indoor

Nagkaroon daw siya ng mild stroke noong Pebrero taong 2017 kaya’t naparalisa ang kanyang kalahating katawan, ito ang pagsasalaysay ng kanyang Mister na si Lolo Conrado Cortez. Dahil mahirap din ang kanilang buhay kaya taong 2017 pa ito huling natingnan ng mga Doktor.

Mas humihirap pa ang sitwasyon ng mag-asawa dahil sa kawalan ng sapat na suplay ng pagkain, gamot, at iba pa nilang pangangailangan, lalo pa’t mayroong pandemya ang buong bansa. Makikitang naka higa na lamang si Lola sa parang sako.


May be an image of child and indoor

Wala ring daloy ng kuryente sa kanilang lugar dahilan upang tiisin nila ang alinsangan at dilim sa tuwing gabi sa kanilang munting kubo.

Dahil dito, nananawagan si Lolo Conrado ng kaunting tulong upang magkaroon sila ng pagkain, gamot, at solar panel na magbibigay liwanag sa kanilang tahanan.

“Nag-iisa na lang po ako, walang mahihingan ng tulong,” saad ni Lolo Conrado.

Kaya sa may mga busilak na puso ay humihingi si lolo ng kaunting tulong. Narito ang buong post ng GMA News:

Sa mga nagnanais magpaabot ng tulong kay Nanay Marilyn, maaaring makipag-ugnayan o magpadala sa mga sumusunod:
Annabelle Cerda Sapico
Contact no: 09474355017
Gcash no: 09217321530
Abigail Sapico Supilanas
Contact no: 09619344921
Gcash no: 09305084479 [ACCOUNT IS BACK]
Sitio Kaysakat Brgy. San Jose, Antipolo City

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...