Isang Food Panda Rider ang Naging Agaw Pansin ng Makitang Dala ang Kanyang Baby sakay sa Basket Habang sya ay Nagtatrabaho.

Umani ng maraming komento at reaksyon ang isang post kung saan makikita ang isang food panda rider na dala dala ang kanyang anak na maliit habang ito ay nagtatrabaho.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Saad ng uploader na si Jeremiel “Tinanong ko po sya kung wala ba sya mapag iiwanan sa baby nya. Wala daw po kasi nagwowork din daw po yung asawa nya at nakikitira lang po sila sa tito nya. Ang nasabing Rider ay si Hersey Manuel”

Nakunan ang larawan sa Bayan ng San Pedro Laguna na kung saang makikitang sakay ng isang Food Panda rider na si Hersey A. Manuel ang kaniyang maliit na anak.

Maraming netizen ang nakapukaw ng atensyon na ito at nagbigay ng komento ayon sa kanilang nakita saad ng isang netizen “Dilikado sa bata Yang gawa mo kapag nahulog Yang bata sa bike at magkasakit.


SA hamog pwede naman kayo kumuha ng tiga pa-alaga dalawa pala kayo nagwowork mag asawa eh may pambayad na siguro kayo sa mag aalaga. Negative SA akin Yang style mo”

Nagbigay naman ng panayam ang Dakilang ama na si Hersey A. Manuel sa mga netizen na nag bibigay ng masasakit at negatibong komento sa kaniya saad niya “”Magandang umaga po! lilinawain ko lang po na hindi ko po kasama yung anak ko araw-araw sa pagdedeliver, kaya ko lang po siya sinama dahil marami pong ginagawa yung asawa ko nagluluto ng paninda naming tokneneng at nag hehelper po dito sa tindahan ng tita ko, yung mga tita ko naman dito marami rin pong ginagawa nung mga oras na yan eh iyak na po ng iyak yung anak ko kaya isinama ko po. Alam kopong nag aalala lang kayo sa anak ko maraming maraming salamat po talaga sa nag-paabot ng tulong.”

Sinuportahan naman ito ng maraming netizen matapos itong mabasa saad nang nagmamalasakit na netizen sa komento ni Hersey Manuel “Urilang ama itong young man na ito, Wala ka bang mga kamag anak sa tabi ninyo na pag iwanan mo sa baby ninyo? Sana yong babay mo ay safe doon sa mga amoy ng mga animals na inaalagaan mo. Kasi ang baby madaling mag kasakit yan sa mga amoy ng animals. Sana ok lang yan na nasa kabilang room mo inilalagay ang baby mo. God Bless you both at work ng baby mo.”

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...