Isang Estudyante, Hinangaan Ng Marami Dahil Sa Mahigit 200 Piraso Na Medalya at Trophies Nito Dahil Sa Kaniyang Katalinuhan!

Maraming mga kabataan ang nagsusumikpa na makapagtapos ng kanilang pag-aaral, ang iilan sa mga ito ay hindi na nga naghahangad pa ng ano mang medalya, ang mahalaga raw ay makapagtapos at magkaroon ng diploma.

Pero, may malaking factor din ang pagkakaroon ng medalya o karangalan sa iyong pagtatapos dahil may mga opurtunidad na binibigay ang iba’t-ibang paaralan para sa mga mag-aaral na may mga parangal sa kanilang pagtatapos.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Katulad na lamang ng isang estudyanteng ito na kinilala kay April Christelle T. De Leon, siya ay naging inspirasyon para sa kapwa niya mag-aaral dahil sa sobrang sipag nito sa pag-aaral at nakakuha pa ng maraming medalya.

Sa isang social media post, tinatayang nasa 200 na medalya ang nakuha ng 15-taong-gulang na estudyante na si April Christelle T. De Leon mula sa Lingayen, Pangasinan. Naging viral sa social media ang kwento ni April at madami din ang humanga noong ilagay ni April ang 200 na medalya sa sahig.

Bukod sa mga medalya, siya din ay mayroong mga beauty pageant sash, certificates, at trophies. Bata pa lamang, achiever na talaga kung maituturing si April at ang mga nakuha niya ay patunay lamang sa mga nakamit na tagumpay sa buhay.


Siya ang Top 1 klase nila simula Grade 1 hanggang Grade 10. Samantala, nakamit naman niya ang highest honors na mayroong grado na hindi bababa ng 96 percent noong Junior High dahilan para siya ang maging valedictorian ng kanilang batch.

Bukod sa pagiging matalino, si April ay sumasali din sa mga beauty pageants kung saan madalas nananalo. Bukod sa naiuwuwi niyang cash prize, mayroon din siyang mga medalya at trophy na nakadagdag pa sa kaniyang mga achievements.

Hindi lamang sa academics at mga beauty pageant lumalaban si April kuni maging sa buhay din para matupad niya ang kaniyang mga pangarap.

Kaya naman isang inspirasyon na maituturing si April sa mga kabataan na pagbutihin ang kanilang pag-aaral dahil makapagbigay din ng saya at tuwa sa kanilang mga magulang.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...