Isang 46-anyos na Ginang, Isiniwalat na 40 Taon ng Hindi Nakatulog, Mga Eksperto May Natuklasan sa Kanya.

Ang kalusugan ay isang kayamanan, kaya dapat nating ingatan ang ating sarili, dahil gaano man karami ang ating yaman, lahat ng ito ay mawawala kapag buhay mo na ang nakataya. Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay mahalaga upang maalagaan ang ating katawan.

Kaya nakaka-alarma ang isang balita na ang 46 anyos na babae mula China ay hindi raw nakakatulog ng halos 40 taon na. Naging usap-usapan ang kaganapang ito kay Li Zhanying.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Ayon kay Li, anim na taong gulang siya nang huli niyang maranasan ang pagkakaroon ng normal na tulog o pamamahinga dahil simula nang sumapit ang kanyang ika pitong kaarawan hanggang sa kasalukuyan, ay hindi na umano ito dinadalaw ng antok.

46-anyos na babae sa China, 40 taon nang hindi nakakatulog | Brigada News Philippines

Saksi sa kondisyon ni Li ang kanyang mga kapitbahay. Ayon sa mga ito, ilang beses na nilang sinubukan na magdamagang maglaro ng baraha ngunit inabot na silang lahat ng antok ngunit hindi ang kanilang kapitbahay na si Li.


Salaysay din ng asawa nito, aktibo sa gabi ang kanyang misis na si Li at pinalilipas nito ang gabi sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawaing bahay.

This woman hasn't slept for 40 years and is still doing fine - News 24H

Ilang doktor na rin ang komonsulta sakanya ngunit wala ang mga itong nakitang kakaiba sa kondisyon ng ginang. Binigyan lamang siya ng mga ito ng sleeping pills ngunit hindi naman ito umepekto.

Matapos maibalita ng media ang sitwasyon ni Li, isang grupo ng mga eksperto ang nagkaroon ng interes sakanyang kondisyon. Gumamit ang mga ito ng advanced sensor para i-monitor ang kanyang brainwave.

Dito na natuklasan na si Li ay mayroong kondisyon na kung tawagin ay “sleep when awake”. Sa simpleng pagpapaliwanag, ito ay isang uri ng kondisyon kung saan mababaw lamang ang tulog ng isang tao at hindi rin nito ipinipikit ang kanilang mga mata dahil nananatiling aktibo ang kanilang mga nerves at organs. Mahirap ang pagkakaroon ng ganitong sleeping disorder dahil hanggang ngayon ay wala pa rin itong lunas o gamot.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...