Hindi biro ang kinakaharap ng mga kababaihan sa tuwing sila ay nagdadalantao, binubuo ito ng tatlong trimester o 9 na buwan. Bawat trimester ay paiba-iba ang kanilang nararamdaman lalo na sa unang trimester kung saan sila ay naglilihi.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Ang paglilihi ay normal para a mga buntis, subalit ang hindi normal ay ang pagkaing kanilang kinahihiligan na minsan ay parang napaka weirdo at baka magdala pa ito ng kapahamakan sa batang nasa sinapupunan.
Gaya na lamang sa isang babaeng buntis na ito na kinilala kay Khosik Assyifa mula sa probinsya ng East Java. Ang pagkain ng sabon ay hindi ni minsan sumagi sa kanyang isipan na, ito ang kanyang mapaglilihiang kainin.
Nagsimula ang lahat ng aksidenteng matikman ni Khosik ang sabon na ginagamit niya pampaligo. Tulad ng ibang sabon na may mga ‘fruity flavor’ ang isang ito ay manamis namis at mala-prutas ang lasa.
Kaya naman, tinikman niya itong muli at naging parte na ito ng kanyang paglilihi, ang pagkain ng sabon na pampaligo.
Aminado si Khosik na kakaiba at nahihiya siya sa pinaglilihian niya, kaya palihim niya itong ginagawa at madalas nagtatago sa kanyang asawa kapag siya ay kumakain ng sabon.
Makalipas ang ilang buwan, nanganak na si Khosik at habang buntis ito ay hindi siya nakaramdam ng pagsama ng kanyang pakiramdam o sa kanyang tiyan dahil sa patuloy niyang pagkain ng sabong pampaligo.
Maging ang kaniyang anak ay normal naman at magpasa-hanggang ngayon ay malusog ito at walang naging sakit mula nang ipinanganak.
Ngunit hindi kagaya ng ibang buntis, ang paglilihi ni Khosik ay hindi natuldukan matapos niyang manganak.
Nagtuloy-tuloy ang pagkain ng sabon ng 21-anyos na Indonesian, bagay na kaniyang ikinagulat dahil hindi niya inaasahang magugustuhan niya ito.
Dahil sa kakaibang paglilihi ni Khosik, nag viral ang kanyang video habang siya ay kumakain ng sabon na pampaligo. Kahit pa man walang masamang naramdaman ang babae, maging paalala ito sa lahat na wag gayahin at baka ito ay magdulot ng masama sa inyong kalusugan.
You May Also Read:
Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.