Bata, Di Tumitigil sa Pag-iyak Dahil sa Labis na Gutom Habang ang Nanay nito ay Umalis para Makautang sa kanilang kamag-anak.

Isang rider ang nakapansin sa mag-ama na nasa tabing kalsada, nakuha ang kanyang atensyon dahil daw sa walang tigil na pag-iyak ng batang kasama nito.

Kaya humingi na ng tulong ang grab rider sa kilalang vlogger na si i Denso Tambyahero upang matulungan ang mag-ama.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Kanilang tinatanong ang lalaki upang makunan ng impormasyon at nalaman nga nilang galing pala sila sa ospital ng Taguig at hindi sila makauwi sa Rizal dahil kulang ang kanilang pamasahe.

Inaya muna nilang kumain ang mag-ama dahil hindi pa rin tumatahan ang bata sa kakaiyak nito. Gutom na gutom na ang bata dahil maaga pa lamang silang umalis at hindi pa nakakain ang bata. Tumanggi ang lalaki na kumain dahil baka dumating umano ang kanyang misis at magkasalisi sila.

Gumawa ng paraan sila Denso at binilhan nalang ng makakain ang mag-ama upang makakain na ang bata. Sa pagdating ng pagkain ay tumahan na ang bata.

Ayon sa kaibigan na rider ni Denso, napansin niya doon ang mag-ama at ilang oras na itong nasa tabi ng kalsada. Ngunit ang umagaw sa kanyang atensyon ay ang anak nito na walang tigil sa kakaiyak.


Ayon sa lalaki, umalis ang kanyang misis at pumunta sa kamag-anak nito upang makahiram ng pera dahil wala na daw silang pamasahe pauwi.

Sa kanilang pag-uusap ay nalaman nilang buntis pala ang misis nito sa pang-apat nilang anak. Galing silang ospital para sa prenatal nito at hindi na nagkasya ang pera nila para sa pamasahe.

Wala rin umanong trabaho ang lalaki ng maaksidente siya at mabulag ang kaliwang mata.

Ilang sandali pa ay dumating na ang misis nito. Saad nito na hindi umano ito nakahiram ng pera dahil wala roon ang kanyang kamag-anak.

Sa tulong ni Denso, inabutan niya ng P2,000 ang ginang para may pamasahe na sila at maibiling pagkain sa mga anak.

Laking pasasalamat naman ng mag-asawa dahil malaking tulong ito para sa kanila. Mahirap umano ang kanilang pamumuhay kaya naman nais na nilang umuwi ng Negros Occidental dahil nandoon ang kanilang mga pamilya.

Nanawagan ang ginang natulungan silang makauwi sa probinsya nila upang makapagsimula muli kasama ang kanilang pamilya.

Maraming netizen naman ang nagbigay ng kanilang komentong paghanga sa ginawa ng vlogger at ng grab rider para sa mag-ama.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...