Tindera ng Pandesal, Bentang-Benta Dahil sa Kanyang Ginagawa Sa Mga Suki Nito Na Lubos na Napabilib sa Kanyang Talento.

Ang mga pinoy ay subok ng madiskarte sa buhay, marami silang mga paraang naiisp upang makalikom ng salapi at e-buhay sa kanilang pamilya. Mapa lalake o babae man, sa panahon ngayon sila ay parehong nagtatrabaho at nagtutulungan.

Sa pagtatrabaho naman ay may kanya-kanyang diskarte ang pinoy upang mabilis na maubos at mabenta ang kanilang paninda o ano mang trabaho. At isa na nga rito si Ate Eva na nagtitinda ng pandesal.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Sa isang post ng netizen na si Jayson Kua A Samia na mula sa Ilaya, Alabang, naging viral ang kanyang ibinahaging post kung saan nilalaman nito ang isang tindera ng pandesal na may talentong taglay.

 

Ayon sa post ni Jayson, bumili sila ng inaalok na pandesal ng tinderang kinilala bilang si Ate Eva, ngunit bukod sa natanggap na mainit na pandesal ay pinaunlakan din sila nito ng isang makabagbag-damdaming awitin.

Gamit ang kantang “Where do broken hearts go” na pinasikat ni Whitney Houston. Ipinamalas ni Ate Eva ang kanyang husay sa pag-awit na kinabiliban naman ng grupo ni Jayson.

Mabilis na kumalat ang post na ito na sa ngayon ay patuloy pa ring napapabilib ang nakakapanuod sa kanya.

Lubos din ang paghanga ng mga taga-Alabang kung saan tila maraming nakakakilala sa mahusay na tindera.


Ayon pa sa isang komento na nagpakilalang kapitbahay ni Eva, ang nasabing talentadong tindera daw ay dating propesyonal na nagtatrabaho sa isang kilalang bangko ngunit mas pinili ang pagtitinda ng pandesal.

Dagdag pa nito, bukod sa talentong taglay ni Eva ay isa rin siyang simple at mapagkumbabang tao.

Patuloy naman ang pagbilib ng ilang mga netizens sa husay ni Pandesal Girl at pag tulak ng ilan sa mga ito na sana’y sumali siya sa isang sikat na patimpalak upang mas makilala at maipamalas ang kanyang galing.

Hinding hindi matatawaran ang galing ng mga pinoy pagdating sa kantahan. At sadyang natatangi ang magkaroon ng ganitong talento, kaakibat ng pagiging simple, mabait at masipag na taong kagaya na lang ni Ate Eva.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...