PANOORIN! Isang Ale na Tindera ng Gulay, Di Nagdalawang Isip na Isauli ang Bag na may Lamang P2.7 Million.

Sa hirap ng buhay ngayon, may mga tao pa talagang hindi nasisilaw sa perang hindi naman nila pinaghirapan. Kung tutuusin, malaki na ang mararating ng ganitong halaga kung hindi siya naging matapat, subalit mas magaan at masarap mamuhay na kabutihan ang nilalaman ng ating puso.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Ito nag pinamalas ng isang ginang sa Ilocos Norte, Matapos na ito ay hindi nag-atubili na isauli sa may-ari  ang bag na naglalaman ng ‎₱2.7 million.

Ang ginang ay kinilalang si Alice Baguitan na nagtitinda ng gulay sa Laoag, Ilocos Norte. Ayon sa tinderang si Alice, kumakain raw sya ng mga oras na ‘yon sa isang fast food restaurant nang may babaeng tumabi sa kanya na may dala-dalang bag.

Kalaunan ay bigla umanong nagmadaling umalis ang hindi kilalang babae matapos itong magkaroon ng emergency, dahilan para mawala sa isip nito ang bag na itinabi sa bandang paanan ni Alice. Sa kabutihang palad, narinig ng nagmalasakit na tindera ang pupuntahan ng babaeng nagmamay-ari ng naiwan na bag na may limpak-limpak na pera.



Nang isauli ni Alice sa bababe ang nakalimutan bag ay agad syang niyakap ng mahigpit ng may-ari nito. Malugod nyang binibigyan ng pabuya ang naturang tindera ng gulay pero pilit nitong tinanggihan ang reward. Pagbabahagi naman ni Alice, bagama’t hindi nya inakalang ganoon kalaki ang laman ng bag, hindi raw ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsauli sya ng pera na nagkakahalaga ng malaki.

Naniniwala sya na Diyos ang magbabalik sa kanya ng biyaya dahil sa kanyang pagiging matapat.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...