Nanay, Ginamit ang Oras sa Paghimay ng Malunggay Habang nasa Trapik, Kinaaliwan ng mga Netizen ” Anti-Bored Teknik”.

Naging agaw pansin ang isang ginang sa loob ng pampasaherong jeep dahil sa kanyang ginagawa habang binabagtas ang kahabaan ng daan. Sino nga ba naman kasi ang makapag-isip ng ganitong gawain habang nasa byahe?

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Kaya umani ng nakakatawang komento ang ginawa ni Nanay, makikita kasi na naghihimay ito ng dahon ng malunggay habang nasa loob ng jeep. Pinatunayan nga niyang isa siya sa mga multi-tasker na Ina na halos lahat ng gawain ay gustong pagsabayin.

Makikita sa nai-post na larawan ng isa sa mga netizens na nagngangalang Timz Burkz ang isang ina na may dalang gulay sa kanilang lugar sa Tejero Cavite.

Ayon sa larawan, ng dahil sa sobrang trapik, nagawa raw ng isang ginang ang paghimay ng dala-dala nyang malungay habang eto ay naghihintay umusad ang sasakyan.


Kung ating iisipin, eto nga talaga ay napakalaking tulong sa pagtipid ng oras. Mantakin nyo, pag-dating neto sa kanyang bahay,ay ano pa nga ba’t huhugasan na lang eto at lulutuin.

“Tama nga naman, pagdating sa bahay, isasalang na lang,”

– eto ang pabirong sinabi ng isang netizen na humanga sa pamamaraan ng matanda. Samantalang si Burkz naman ay humanga ng todo sa babae

– “Sa sobrang trapik sa Tejero, nakapaghimay na si mother ng malunggay. Salute!” – wika naman ni Burkz.

Ang viral post na eto ay umabot na sa higit 10,400 na reaksyon, at 900 naman ang mga komento.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...