Lolang Dating DH, Sinakripisyo ang Mahabang Panahon Upang Magtrabaho ng Makatapos ang Mga Anak, Ngayon ay NAGTUTULAK ng Rolling Store, Pinabayaan na nga ba?

Isang lolang tindera na nagtutulak ng kaniyang rolling store sa ilalim ng katirikan ng sikat ng araw, sa kahabaan ng Fairview, Quezon City, ang nagpa-antig sa damdamin ng mga netizens dahil sa kanyang kwento ng buhay.

Ayon sa Facebook page na ‘One Philippines’, si Nanay Leticia ay isang dating domestic helper sa Hongkong. Sinakripisyo nito umano ang mahabang panahon na hindi kapiling ang limang anak upang mabigyan lamang ng magandang buhay, mapag-aral at hindi danasin ang hirap na dinanas niya.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Sa panayam nila, sa isip umano noon ni Nanay Leticia na okay lang magtiis para sa mga anak, tutal kapag nakatapos sila sa pag-aaral, sila naman mag-aalaga sa kanya. Natapos naman sa pag-aaral ang lima niyang mga anak, nakapagtrabaho at namuhay nag sapat. Subalit nagkaroon na sila ng kani-kanilang pamilya.

Lola Tindera na nagtutulak ng rolling store sa Fairview, pinabayaan ng mga anak?

Mag-isa na umanong namumuhay si Nanay Leticia. Pinagawan umano siya ng isang anak ng rolling store para matugunan ang pang-araw-araw niyang pangangailangan. Sa ngayon umano ay namumuhay mag-isa si Nanay Leticia sa isang relocation area sa Fairview. Tanong tuloy ng mga netizens, pinabayaan na ba ng mga anak ang kanilang ina?

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon at komento:


“Ayokong i-judge yung mga anak niya, baka may iba rin silang kuwento, baka may masakit silang nakaraan kasama si Nanay Leticia. Pero sa kalagayan ngayon ng matanda, parang dapat hindi na siya nagtatrabaho nang ganiyan kabigat. Calling the attention sa mga anak niya.”

May be an image of 1 person

“Kawawa naman ang isang inang katulad niya. Bakit nila nasisikmura ang ganyan sitwasyon ng kanilang ina, imbes na bigyan nila ng kaginhawahan sa buhay, sila pa mismo nagbigay ng panghanapbuhay ng nanay nila. Matanda na siya.”

“Baka naman pinili ni Nanay na magtrabaho pa rin at huwag umasa sa mga anak niya? May mga ganiyan akong kakilalang matatanda. Kahit na anong pilit, ayaw umasa sa bigay ng mga anak nila.”

Sa ngayon ay wala pang update kung kumusta na ba si Nanay Leticia, bagama’t marami sa mga netizens ang naghahanap sa kaniya, upang mabigyan nang kaunting tulong-pinansyal.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...