‘Badjao Girl’Rita Gaviola,Ginulat ang Lahat sa Kanyang Transformation, Planong Sasali daw sa Miss Universe.

Kung ipinanganak kang mahirap ay hindi dapat habambuhay kang ganyan, minsan ay may magandang mga opurtunidad na dumarating sa ating buhay upang maging paraan ng ating tagumpay.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Isa na nga rito ang buhay ng isang batang namamalimos dati na nagtrending noong 2016. Nagtrending ito dahil sa kanyang natural na kagandahan at beauty queen looks na nakunan ng isang netizen noong kasagsagan ng Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.

Siya ay kinilalang si Rita Gaviola o ‘Badjao Girl”. Natatandaan nyo pa kaya ang batang ito?

Matapos mag-viral sa social media, mas nakilala pa ang tinaguriang ‘Badjao Girl’ noong sumali siya sa isang reality TV show, kung saan nakasama niya ang isa sa kalahok ngayon sa Miss Universe Philippines na si Kisses Delavin.


Hindi man pinalad na manalo si Rita, marami ang humanga sa kanya dahil sa tapang niyang harapin ang hamon ng buhay o ang kahirapan.

Tubong Zamboanga ang pamilya ni Rita at ayon sa kanyang ina, napadpad sila sa Maynila dahil mahirap ang buhay nila sa probinsya.

Fashion PULIS: Insta Scoop: RIta Gaviola. aka, Badjao Girl, Dreams of Joining Miss Universe

Matapos makilala, marami ang tumulong upang makabangon sa kahirapan ang pamilya ni Rita.

Nabigyan rin ng maayos na trabaho ang kanyang mga magulang.

Kung noon ay kinakailangang mamalimos ni ‘Badjao Girl’ para may makain, ngayon ay marami na ang nagbago sa kanyang pamumuhay.

Patuloy na nakikilala si Rita Gaviola dahil sa kanyang mga post kung saan makikita ang kanyang natural beauty at transformation.

Badjao girl' eyes Miss Universe pageant | Cebu Daily News

Sa isang Instagram post kamakailan, ginulat ni Rita ang kanyang followers sa kanyang caption, “Soon sasali na tayo sa miss u.”

Hindi pa man nakokoronahan ang pinakaabangang winner sa kasalukuyang Miss Universe Philippines competition, mukhang excited na ang tinaguriang ‘Badjao Girl’ na ipamalas ang kanyang kagandahan at kakayahan.

Samantala, tila marami nang advance supporters si Rita Gaviola.

Napuno kasi ng magandang comments ang kanyang Instagram post tungkol sa kanyang plano at pangarap na maging isang beauty queen.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...