Babaeng Nagpakasal sa Online Boyfriend, Walang Kaalam-alam sa Pinakakatagong Lihim nito.

Sa pag-unlad ng teknolohiya maraming tulongĀ  ang hatid nito sa mga tao, lalo na ang mabilisang komunikasyon at marami pang mga machine na lubusang nagbigay ginhawa sa mga tao.

Maging sa pagkakaroon ng relasyon ay nabubuo na rin sa tulong ng teknolohiya gamit ang cellphone at ilang mga gamit pang komunikasyon.

Maraming mga application sa ngayon kung saan ay pwede kang makahanap ng iyong kapareha at kung suswertehen ay maging partner for life mo pa, ilan dito ay ang mga dating sites, mga social media app gaya ng facebook, instagram at iba pang katulad din nito.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Ngunit sa pagpasok sa mga relasyong ito na malayo sa isa’t-isa, di mapipigilang magkaroon ng pagdududa at di pagiging tapat sa isat’-isa, lalo pa ang miyembro ng kanilang pamilya.

Para sa isang Vietnamese woman, nadiskubre niya na ang kaniyang boyfriend na nakilala sa online ay mayroon palang itinatago na malaking sekreto sa kaniya at nalaman niya na lamang ang totoong pagkatao nito matapos nilang mapagpasyahan na magpakasal.


Kagaya ng marami sa atin, si Nguyen Van Anh ay gusto din makatagpo ng isang tao na tatanggap at magmamahal ng buong buo sa kaniya.

Kahit na siya ay mayroon ng magandang karera matapos makapagtapos sa Hanoi University of Science and Technology noong 2015, nararamdaman niya na mayroon pang isang bagay na gusto niya at yun ay ang makahanap ng isang lalaki na kaniyang pinapangarap.

Habang siya ay nag-scroll sa Facebook page ng kaniyang iniidolo noong May 2016, mayroon nakita si Van Anh ng isang lalaki na talagang pumukaw sa kaniyang atensyon.

Sa katunayan, siya ay sobrang na nagtataka sa lalaki kung kaya’t nagpadala siya ng message sa kaniyang iniidolo at tinanong ito kung pwede siyang maipakilala sa misteryosong lalaki na kaniyang nakita.

Ang pangalan ng lalaki a Dang Tuan. At kahit hindi ito ganoon kalapit sa iniidolo ni Van Anh, pinagbigyan niya pa din ang kahilingan ng babae at nakipag-usap siya sa social media. Nagkaroon sila ng pag-uusap sa social media at unti-unti silang nahulog sa isa’t isa matapos ang pagkilala sa isa’t isa.

Kahit na si Van Anh ay nasa Hanoi, Vietnam, at si Dang Tuan naman ay nagtatrabaho at naninirahan sa Russia, hindi nila hinayaan na ang distansya ang makakapigil sa nabubuo nilang relasyon.

Matapos ang sampong buwan na pagdate sa online, si Tuan, na siyang hindi pinagmalaki ang kaniyang mga nakamit, ay tinanong si Van Ang na pakasalan siya kung saan sumagot ito ng kaniyang oo.

Ngunit ang ina ni Van Anh ay hindi gusto ang pagpili ng relasyon na pinasukan ng kaniyang anak. Sinabi din nito na si Van Anh ay magsisisi na maka-date ang isang tao na nakilala niya lamang sa interte, partikular na na hindi naman nila kilala ang isa’t isa sa ganoong kahabang panahon.

Gayunpaman, pinatunayan pa rin ni Tuan ang kaniyang pagmamahal kay Van Anh at pumunta siya sa Vietnam para hingin ang permiso ng magulang nito. Ang dalawang ay nakuha ang blessings ng pamilya ni Van Ahn para sila ay magpakasal.

Si Tuan at Van Anh ay nagsimula na sa preparasyon ng kanilang kasal at doon nalaman ni Van Anh ang sikreto ng kaniyang fiance at ito ay si Tuan ay isang millionaire.

Sa kabila ng pag-uusap nila sa loob ng ilang buwan, nalaman niya na lamang na ang kaniyang fiance na nakilala sa online ay isang general manager ng isang sikat na fashion brand noong pumunta sila sa Russia at pinaplano ang kasal.

Inamin ni Tuan na hindi niya sinabi ang kahit ano tungkol sa kaniyang yaman kay Van Anh para malaman niya na kung mahal siya nito sa kung sino siya at hindi para sa kaniyang pera kung saan nakapasa si Van Anh.

Si Tuan at Van Anh ay nagpakasal noong Abril noong nakaraang taon sa isang five-star hotel sa Hanoi. Ngayon sila ay naninirahan sa Russia.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...