Babae, Nanlumo ng Ma-Diskubre ang Totoong Pagkatao ng “Kabit” ng Kanyang Asawa, na Kalaunay May Sekreto din Sila.

Sadyang mapaglaro ang tadhana, yan ang kadalasang ating naririnig, ngunit tila totoo naman dahil hindi natin alam kung ano nga ba ang naghihintay sa ating kapalaran.

Minsan, kahit sabihin nating hindi ito mangyayari sa atin, parang pinaglalaruan tayo dahil yan din mismo ang kahahantungan ng buhay mo.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Sa larangan ng pag-ibig, hindi natin alam kung kanino tayo mapunta at kung siya na ba talaga ang sa ati’y nakatadhana. Naging malaking problema ng mag-asawa sa ngayon ang pagkakaroon ng third party o “kabit” na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng isang pamilya.

Ang panloloko ay tila ba naging isang sakit na para sa ibang tao dahil maaari nitong masira ang relasyon at kahit ang pamilya. Ngunit, ano nga ba ang iyong mararamdaman kung ang iyong kasintahan ay niloko at pinagpalit ka sa isang bakla?


Kamakailan lamang, itinampok ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ang isang kakaibang kwento ng isang babae na nahulog sa bakla ng kaniyang kasintahan at siya ay nabuntis nito.

Si Justin at Angelica ay nagmula sa San Jose, Occidental Mindoro ay mabilis na nahulog ang loob sa isa’t isa matapos ang kanilang pagtatagpo noong June 2015. Ang dalawa ay naging magkarelasyon matapos ang isang buwan na pagkikita.

Ang kanilang relasyon ay talagang masaya hanggang isang araw, napansin niya na si Justin ay nagiging matabang na sa kanilang relasyon at iniiwasan siya. Si Angelica ay nagsimula ng magduda ng makita ang kaniyang kasintahan na nakangiti habang may katext ito.

Inimbestigahan niya ang pangyayari at nalaman na ang kaniyang kasintahan ay mayroong karelasyong bading. Kahit na may galit sa kaniyang puso, maayos siyang nagpadala pa rin siya ng mensahe kay Jeffrey Urieta. Ngunit, paglipas ng ilang araw, silang dalawa ay naging mabuting magkaibigan.

Ang magkasintahan ay pinili na lamang maghiwalay ngunit si Jeffrey at Angelica ay nanatiling malapit sa isa’t isa. Sa sandaling panahon, nahulog si Angelica sa karelasyong bading ng kaniyang dating kasintahan at hindi na niya ito sinubukang pigilan. Niligawan ni Angelica ito hanggang sa makuha na nito ang matamis na oo.


Ngunit ang relasyon ni Jeffrey at Angelica ay nagkaroon ng problema nang bumalik si Jeffrey sa kung ano talaga siya. Si Justin at Jeffrey ay naging magkasintahan muli ng hindi nalalaman ni Angelica.

Matapos malaman ni Angelica ang panloloko, pinapili niya si Jeffrey sa pagitan niya at kay Justin kung saan pinili ng huli si Angelica imbis na si Justin.

Ngayon, silang dalawa ay masaya at mayroon na ding isang anak. Si Jeffrey ay nananatiling nagsusuot ng damit pangbabae at make-up ngunit talaga nga naman na siya ay mabuting asawa at ama para sa kaniyang pamilya.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...