Viral, Batang Babae Umiiyak na Pinapahabol sa Driver ang Isang Jeep Dahil Lamang sa Bagay na Naiwan na Ikagalit daw ni Nanay.

Alam natin na ang mga Ina ay talagang metikulusa, maalaga sa mga anak pati na rin sa mga gamit sa bahay. Bawat gamit ay bilang at natatandaan kapag may mga nawawala, partikular na ang mga tupperware at kubyertos sa kusina.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Ito ang kadalasang nararanasan ng bawat kabataan, ang mapagalitan dahil sa mga naiwang baunan o mga taupperware. Kaya ang isang pangyayaring ito na ibinahagi ng netizen sa social media ay nagpa relate sa iba.

Narito ang salaysay:

Tulad na lamang nang naging karanasan ng isang netizen na si Kate Nabo, na sadyang nag-viral ang post sa social media sa pagbabahagi niya ng nakakatuwang kwento tungkol sa sinakyan niyang jeep.

Kwento ni Kate, Marso 9, biglang sumakay ang umiiyak na batang babaeng naka-uniporme, habang naghihintay ng ibang pasahero yung driver ng sinasakyan niyang jeep.


“Di namin alam kung anong nangyari sa kanya bigla na lang syang nagsabi sa driver na “Manong pwede pakihabol po nung jeep na yun”,” lahad ni Kate.

Nagtataka man daw ay hinabol ng driver ang kabilang jeep, at nang tanungin ang bata kung anong nangyari at bakit ito umiiyak, sinabi nito na naiwan niya ang kanyang baunan sa kabilang jeep na hinahabol nila at kailangan niya itong makuha dahil pagagalitan daw siya ng kanyang ina.

“Yung tupperware ko po naiwan dun sa jeep, baka pagalitan ako ni mama.”, ani daw ng batang babae.

Ibinahagi din ni Kate ang larawan ng bata at kung paano natuwa ang ibang pasahero, pati na din ang driver ng jeep ng malaman ang dahilan ng bata kung bakit ito umiiyak.

“Nagtawanan kaming ibang mga pasahero, pati yung driver, pero worth it naman yung pagharorot ni manong driver kasi nahabol namin yung jeep.”, kwento ni Kate.

Di nalang pinabayad ni manong driver si baby girl kasi grabe na yung iyak nya. Tupperware nga naman.”

May mga nakaranas din ba sa inyo kung paano kayo napagalitan dahil sa tupperware ng mama nyo??

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...