Napaluha ang Estudyanteng Naglalako ng Pastillas dahil sa Ginawa ng Isang Lalake.

Karamihan sa mga working students ay pinapasok ang iba’t-ibang raket para lamang kumita ng pera at masustentuhan ang pag-aaral nila. Maaari rin natin silang tulungan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga raket nila!

You May Also Read:

Pastor, Nagpupumilit na Ilibing ng Buhay, Dahil Muli Daw Siyang Mabubuhay sa Ikatlong Araw Subalit Natuluyang Mamatay!

Mag-ama na Hindi Pinasakay ng Bus, Naglalakad mula Surigao Hanggang Davao Del Sur na May 549 Km. Para maligtas ang Isa niyang Anak.

Magkapatid na Namamalimos Habang Nakasuot ng Plastik,Nilalagnat pa ang Kapatid,Umantig sa mga Netizens!

Isa na sa mga kahanga-hangang working student ay ang lalaking ito. Sa kabila ng pandemic, rumaraket pa rin siya para lamang matustusan ang kanyang pag-aaral.

Nag-iikot ikot siya upang magbenta ng iba’t-ibang pasalubong, tulad na lamang ng pastillas at mga kendi. Inaalok niya ang mga dumaraan na bumili ng paninda niya.

Ngunit hindi inaasahan ng working student na ito nag magva-viral siya sa social media. Kamakailan lang ay may video na nag-trending, kung saan makikita ang lalaki na lumapit sa isang grupo ng mga kalalakihan. Nag-iinuman sila nang lapitan sila ng estudyante upang pabilihin ng pastillas.


Matapos magpakilala ay inilabas na ng estudyante ang kanyang mga itinitindang pastillas at iba pa. Noong una, inakala ng mga netizens na pagti-tripan lamang ng mga lalaki ang estudyanteng ito. Pero nagulat na lamang sila sa ginawa ng grupong ito!

Noong una ay nagtatawanan pa ang mga magkakaibigan. Ngunit hindi nagtagal at lumapit ang isang lalaki nakasuot ng orange na T-shirt sa estudyante. Tinanong niya ang bata kung bakit ito naging tindero, at sumagot naman ito na nagtitinda siya para tustusan ang pangangailangan ng pamilya niya.

Laking gulat naman ng estudyante nang abutan siya ng isang libo ng lalaki! Ayon sa lalaki, na-inspire siya sa kasipagan ng estudyanteng ito. Pinauwi niya rin ito at pinayuhan na bukas na lamang ibenta ang natitirang paninda niya dahil gabi na.

Agad namang nag-trending sa social media ang video na ito. Maraming netizens rin ang sumaludo sa kabutihang loob ng magkakaibigan na ito.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...