Mister sa Iloilo, Nasaksihan Mismo ang Pagkamatay ng Asawa Ngunit Nabigla sila ng Dumilat at Nabuhay Ito Matapos ang Halos Isang Oras.

Totoo nga kaya ang mga balitang may mga namatay at muli pang nabuhay? Bakit nga kaya nangyayari ang mga ito? May isang balita na naging viral kamakailan sa social media patungkol sa isang ginang na namatay at muli daw nabuhay.

Ang kwentong ito ay naganap sa Barotac Nuevo, Iloilo. Mismo ang asawa at hipag nito ang nagsalaysay na binawian na daw ng buhay ang kanyang asawa at laking gulat nila ng ito ay nabuhay pang muli.

You May Also Read:

Matandang Nagpapahinga, Lubos ang Pasasalamat sa Pagkaing Palihim na Ibinigay sa Kanya Habang Natutulog ng Nakaupo!

Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.

Batang Musmos, Ginulat ang May Ari ng Nawawalang Wallet na May Lamang Malaking Pera ng Ibalik Ito at Humingi ng Singkwentang Kapalit Lamang.

Ayon sa asawang si Zaldy, nang magising ito kanyang nakita na nag ne-nebulizer ang kanyang aasawa. Ito umano ay sinusumpong ng kanyang asthma.

Makalipas ang ilang sandali ay napansin nito na Nawalan ng hininga at nanigas na ang katawan ng kanyang asawa.

Dagdag pa niya ay nangitim na din ang mga kuko at nanlamig na ang buong katawan niya. Napansin din nito na nginig na ang kanyang asawa at umihi na ito ng umihi.

Ginang Na Ilang Minuto Nang Walang Buhay Sa Iloilo, Bigla Na Lamang Nabuhay Ulit

“Pagkagising ko, nagne-nebulizer ‘yung asawa ko. Sinumpong kasi siya ng asthma.

“Tapos nawala na ‘yung hininga niya. Nanigas na ‘yung katawan niya. Nangitim na ‘yung mga kuko niya. Nanlamig na ‘yung buong katawan niya! Yung katawan niya, nanginig na at umihi na siya nang umihi!”


Dahil sa pangyayari ay nagtawag na ito ng kapitbahay para humingi ng tulong sa nangyari. Ayon pa kay Zaldy, dahil sa pangyayari ay sinabi na niya sa kanyang mga anak na wala na ang kanilang nanay at ipagdasal na lamang natin ito.

Ngunit matapos sabihin na ni Zaldy na ipagdasal na lamang ito ay laking gulat nya ng biglang dumilat ang kanyang asawa.

Hindi sukat nito akalain na biglang itong muling nabuhay, sa pag-aakala na pumanaw na nga ito. Ayon sa kanya, ay mag iisang oras na ang lumipas ng dumilat muli ang mga mata nito.

“Nagtawag na ako ng mga kapitbahay para humingi ng tumulong. Nagsabi na rin ako sa mga anak namin na wala na ang nanay nila. Nag-iyakan na sila. Sabi ko, ipagdasal na lang natin na bumalik ‘yung buhay niya.”

“Mga isang oras ang lumipas, biglang dumilat ‘yung asawa ko! Nabuhay siya!”

Hindi rin makapaniwala ang hipag ni Zaldy sa nangyari. At ayon sa salaysay nito ay wala ng pulso si Violeta.

Bilang isang isang midwife, napagtanto nito na talagang sumakabilang buhay na si Violeta at halos isang oras na itong walang oxygen.

“Wala na talagang pulso! Nagpa-panic na silang lahat. Bilang midwife, na-conclude ko na namatay na talaga siya. Halos isang oras na siyang walang oxygen eh! ”

“Wala na talaga si Violeta nu’n! Nag-iyakan na kami. Tapos bigla na lang siyang dumilat! Hindi kami makapaniwala. Nabuhay siya ulit! ”

Sa post na ibinahagi ng KJMS sa kanilang socmed page, kung saan nafeature ang istorya ng ginang na ito na mula Barotac, Nuevo, Iloilo. Ilang netizens ang nag bahagi ng kommento at paliwanag sa pangyayari.

“May mga pagkakataon talaga na nangyayari to. Kung Science ang pag-uusapan “Lazarus Syndrome” ang tawag dito. Yung tipong nag cardiac arrest na ang isang tao at wala na talagang pulso literal na p4t4y na talaga but after a minute(s) or hour(s) kusa na lang bumabalik ang pulso nila at nabubuhay. Ang dahilan nito ay hindi pa rin natutukoy pero may ilang mga theory na makakapag explain nito. Pero anuman ang eksaktong rason, ANG MAHALAGA AY NABUHAY AT NADUGTUNGAN PA ANG BUHAY NIYA AT MAKAKASAMA PA NIYA ANG PAMILYA NIYA”

Loading...