Miss Universe Dayanara Torres, Matapang na Nilalabanan ang Malubhang Sakit at Dagdag na Pagsubok sa Kanyang Buhay.

Isang sikat na personalidad sa larangan ng showbiz si Miss Dayanara Torres. Maliban sa taglay nitong ganda at hinirang na Miss Universe 1993, siya ay may talento din sa pag akting.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Naging kasama niya sa pelikula ang kanyang kasintahan na hanggang ngayon ay pinagtitilian pa rin ng mga kababaehan, walang iba kundi si Aga Muhlach na may pamagat ” Basta’t Kasama Kita”.

Subalit, hindi nagkatuluyan ang dalawa, kaya’t ng umalis ng bansa si Dayanara siya ay nagpakasal sa isang kilalang mang-aawit na si Marc Anthony taong 2000. Nagkaroon sila ng dalawang anak subalit hindi pa rin naging maganda ang takbo ng kanilang pagsasama kung kaya’t naghiwalay sila ng taong 2002.

Ikinabigla naman ng publiko ng kamakailan lang, ang artista at beauty queen na si Dayanara Torres ay nagbahagi ng isang makabagbag-damdamin ngunit nakasisiglang “video” mula ospital para sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Maraming mga tagahanga na Pilipino ang nalungkot nang ipakita niya na nakikipaglaban siya sa kanser sa balat.


Noong Marso, ibinahagi ng beauty queen ang ilang mga balita tungkol sa kanyang kondisyon sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Sa isang nakaraang artikulo, ang kasintahan ni Dayanara Torres, si Louis d’Esposito ay naiulat na nakipaghiwalay sa kanya sa gitna ng kanyang laban sa malubhang sakit. Batay sa isang ulat, nakipag hiwalay diumano ito kay Dayanara sa pamamagitan lamang ng tawag sa telepono.

Sa kabila ng nangyari, nanatiling positibo ang 44-anyos na Puerto Rican actress sa kabila ng kanyang kalagayan. Nagkaroon pa siya ng oras upang ibahagi ang mga update sa kanyang paggamot sa pamamagitan ng kanyang “Instagram account”.

Kamakailan lamang, nag-“upload” si Dayanara Torres ng isang makapabag damdaming “video” ukol sa kanyang kalagayang na nakapagbigay pa rin ng inspirasyon sa sa kanyang mga taga hanga na lumaban sa kinakaharap na problema ng may ngiti at determinasyon. Makikita sa video na tumatanggap siya ng paggamot sa isang ospital para sa kanyang karamdaman, sinasabing ang “kemotherapy” na ginagawa sa kanya ay para sa kanyang kanser.

Ipinahayag ng beauty queen ang pasasalamat sa kanyang mga kaibigan at pamilya sa kabila ng kanyang sitwasyon. Tiyak, ang mga tagahanga na mga Pilipino ng Miss Universe 1993 ay umaasa at nananalangin na siya ay makaligtas mula sa sakit na kanser.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...