Megastar,Labis ang Saya sa Pagkikita nila ng Kaniyang Anak Na Nasa US Na Matagal Niyang Hindi Nakita.

Isa si Sharon Cuneta o mas kilalang Mega Star ang maituturing haligi ng industriya ng Showbiz, dahil maliit pa lamang ito ay may malaking ambag na sa nasabing industriya. Maliban sa magaling na pag-arte ay may magandang boses din ito na siyang nagpasikat pa sa kanya.

You May Also Read:

Matandang Nagpapahinga, Lubos ang Pasasalamat sa Pagkaing Palihim na Ibinigay sa Kanya Habang Natutulog ng Nakaupo!

Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.

Batang Musmos, Ginulat ang May Ari ng Nawawalang Wallet na May Lamang Malaking Pera ng Ibalik Ito at Humingi ng Singkwentang Kapalit Lamang.

Maraming umiidolo kay Megastar at sumusubaybay sa kanyang buhay lalo na sa pag-ibig. Isang bukas na libro kung maituturing ang buhay ni Megastar, pero mayroon pa yatang hindi alam ang publiko at kanyang mga fans patungkol sa buhay pamilya nito.

Hindi lingid sa publiko ang mga nagagandahang anak ni Sharon na sina KC Concepcion na anak ni Megastar sa dati nitong asawa na si Gabby Concepcion at si Frankie Pangilinan na anak niya naman kay Senator Kiko. Ngunit lingid sa kaalaman nating lahat ay mayroon pang isang itinuturing na tunay na anak si Sharon.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Sharon ang isang makabagbag-damdaming reunion niya sa kaniyang anak. Sa Instagram, ipinakilala na ni Megastar sa publiko ang kaniyang anak na matagal niyang hindi nakasama dahil ito ay nakatira at lumaki sa United States.


Si Curtis Christopher Cuneta ay anak ng kapatid ni Sharon na lalaki. Ngunit kahit pa man ito ay hindi galing sa kaniya, si Curtis ay buong puso pa din niyang minahal.

Ayon sa aktres, malapit na ang loob nito sa kaniya kahit noong bata pa lamang ito kaya naman itinuturing na din niya ito bilang tunay niyang anak.

Samantala, isa namang miyembro ng US Army si Curtis.

Ani Sharon,

“I’m with my son Curtis. I’m so happy to see him. He looks like me. He looks like my Tatay, my dad.”

Naging malapit din ang loob ni Curtis kay Sharon kahit siya ay nakatira sa United States. Sa katunayan nga niyan ay ‘mama’ din ang tawag niya sa kaniyang tita. Kaya naman hindi na napigilan pa ng dalawa na maging emosyonal sa muli nilang pagkikita matapos ang mahabang panahon.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...