Matandang Nagpapahinga, Lubos ang Pasasalamat sa Pagkaing Palihim na Ibinigay sa Kanya Habang Natutulog ng Nakaupo!

Isang kasabihan na talaga ngang nagbibigay ginhawa sa atin,”It’s better to give than to receive”. Totoo naman, dahil ang taong mapagbigay sa kapwa ay binibiyayaan pa ng Panginoon at ng kanyang kapwa.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Kahit pa man hindi natin kakilala ang ating masasalubong, minsan ay nakapagbigay tayo dahil sa nakakaawa nilang sitwasyon. Katulad na lamang ng isang trending na kaganapan kamakailan kung saan pinamalas ng grupo ng kabataan ang kagandahang loob sa isang matandang lalake.

Masisilayan sa larawan na mahimbing na natutulog si tatang habang ito ay nakaupo at nakasandal lamang sa pader. Makikitang dahan-dahang nilagay ng binata ang supot na may lamang pagkain at hindi niya ito ginising.

Makikita rin sa mga sumunod na litrato ang pagsasalaysay ng kaisipan at saloobin ng taong kumukuha ng video.

Hindi namin alam kung pagod si tatay or inaantok”

“Kaya hinintay namin na magising siya. Nilihis ko ang camera nung napansin niya na ang pagkain na bigay namin”

“Salamat po” ang naging bigkas ni tatay sa video ng pagmulat niya ng mata ay nakita niya ang pagkain sa kanyang tabi, dali-dali niya itong binuksan ng may pagkasabik marahil sa kadahilanang ito’y pagod at gutom na sa buong mag-araw.


Ang pagbulong ni tatay ng “Salamat po” ay lalong nagpaantig at nagpaluha sa mga netizen. Hindi man natin makita ang reaksyon ni tatay pero sa video na ito alam at sigurado tayo na labis siyang nagagalak at nagpapasalamat sa biyayang natanggap niya ng gabing iyon.

Halo-halong emosyon at reaksyon ang natanggap na komento ng video na ito pero nangibabaw parin ang kagalakan sa bawat puso ng netizen.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...