Kalagayan ni Mura, Nakakahabag at Patuloy na Nagsusumikap Kahit na Hindi Masyado Makalakad, Heto ang Kanyang Pahayag:”Kahit po LAOS na po ako kung may opportunity, Papasukin ko po ulit at Kakayanin ko!”

Naging kilala rin na mahusay na artista si Mura na naging katambal din noon ni Mahal. Ang kanilang tambalan ay nagbigay aliw sa mga tagapanuod, subalit ang buhay nga ay parang gulong ng palad, at heto ngayon ang buhay ng dating sikat na artistang si Mura.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Binisita kamakailan ng kilalang vlogger na si Virgelyncares at kinamusta ang kasalukuyang kalagayan ni Mura at kung ano na nga ba ang kanyang pinagkukunang hanapbuhay.

Kanyang nakausap si Mura at ayon daw dito, nais man niyang makabalik sa showbiz upang kumita ng pera para sa kaniyang pamilya ay hindi niya magawa dahil sa ραndεmια na kinakaharap ng bansa at may problema narin siya sa kaniyang kalusugan, aniya nagkaroon siya ng pilay sa kaniyang paa dahil sa paglalakad niya mula sa kanilang taniman na halos inaabot ito ng kalahating oras sa paglalakad.


Kapansin-pansin na hirap si Mura sa paglalakad dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Gayunpaman, siya mismo ang gumagawa ng mga gawain para makaani sila mula sa kanilang mga pananim. Dahil sa ganitong kalagayan ng dating sikat na aktor ay halos nag lugmok ito sa hιrαρ kaya’t halos mapaiyak nalang ito sa vlogger.

Kwento ni Mura, nakatakda sana siyang makasama ng yumaong batikang aktor na si Eddie Garcia ngunit dahil sa kanyang kalagayan ay tinanggihan niya umano dahil hindi niya kakayaning tumakbo. Aniya kung mabibigyan siyang muli ng pagkakataon ay gagawin niya ang kanyang makakaya upang makabalik muli sa pag-aartista.

Naging emosyonal naman si Mura nang iabot sa kanya ang halagang P10,000. Abot-abot ang pasasalamat ni Mura sa vlogger na si Virgelyn at sa mga OFW na nagbigay ng kanilang mga donasyon. Sana ay matulungan din siya ng kapwa niya artista at mga nakasama noon. Wag lang po mawalan ng pag-asa dahil habang may araw pang sumisikat ay mayroon pang pag-asa.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...