Ito Pala ang Katotohanan Sa Likod Ng Malaking Istatwa Na Itinatayo Ngayon Sa Harap Ng SM Megamall

Isang malaking rebulto na kasalukuyang itinatayo sa harap ng SM Megamall na naging palaisipan sa mga taong dumdaan at nakakita nito. Ayon sa mga sabi-sabi isa daw itong rebulto ni Henry Sy Sr. isang kilalang mayamang negosyante.

You May Also Read:

Matandang Nagpapahinga, Lubos ang Pasasalamat sa Pagkaing Palihim na Ibinigay sa Kanya Habang Natutulog ng Nakaupo!

Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.

Batang Musmos, Ginulat ang May Ari ng Nawawalang Wallet na May Lamang Malaking Pera ng Ibalik Ito at Humingi ng Singkwentang Kapalit Lamang.

Pero ang sabi-sabing yaon ay hindi pala totoo dahil ito ay artwork ng isang Filipino-American sculptor na kinilalang si Jefre Manuel Figueras, a.k.a. JEFRË. Ang rebultong ito ay tinatawag daw na ‘Time Sculpture’ at may taas na 12 metro.

Ang nasabing Time Sculpture ay ginawa upang mag remind sa bawat isa sa atin kung gaano kahalaga ang bawat oras sa atin, kaya ang artwork na ito ay naglalarawan sa isang lalaking tumitingin sa kanyang orasan.

Ang higanteng eskultura ay bahagi ng JEFRË’s Baks Series, ang kauna-unahang likha ng naturang artist.

Ang Baks Series ay pinangalanan pagkatapos ng ponetikong salitang “kahon” sa American English. Ang mga piguro nito ay mga archetypes na kumakatawan sa mga taong nagbibigay buhay at karakter sa mga lungsod sa buong mundo.

Tinatayang matatapos ito at maipakita sa publiko nitong taon. Ito ay gawa sa mirror stainless steel na itinatag sa buong katawan ng piguro at konektado ng polyhedrons na lumilikha ng three-dimensional planes.


Ang hugis kahon na ulo ay isang iconic form din sa loob ng likhang sining dahil itinataguyod nito ang pigura bilang isang symbolic expression.

Para kay JEFRË, ang mga tao ay ang ‘building blocks’ ng syudad at sa pamamagitan ng pag-convert sa ulo ng estatwa sa isang bloke, ang mga pigura ay kinokonekta ng mga artists urban architecture.

Saad ng SM sa isang pahayag,

“Even when stuck in traffic, people should learn how to respect the idea of time by using it productively.”

Ang permanenteng art sculpture na ito ay naglalayong lumikha ng pag-unawa sa kasaysayan ng lungsod at ng mga tao, at para na din makagawa ng isang bagay na siyang kumakatawan sa lungsod.

Sana nga ang layunin ng naturang rebulto na ito ay bigyang pansin at halaga ng bawat Pilipino. Time is precious, time is gold.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...