Ikinahiya niya na Isang Kargador ang Kanyang Ama, Pero Laking Pagsisisi niya ng Malaman ang Pangyayaring Ito.

Di maiiwasan na minsan ay magtagisan ang mga kabataan sa paaralan. Minsan ito ay patungkol sa estado ng kanilang buhay, katulad na lamang ni Dan at ang mga kaklase nito.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Ang Ama ni Dan ay isang taga deliver ng gas, dito sila nabubuhay ng kanyang pamilya, mahirap lamang sila ni Dan kung kaya’t kumakayod ang kanyang Ama.

May kaklase si Dan na si Ben, siya ay anak ng mayamang negosyante kung kaya’t madalas naiinggit si Dan sa kanya dahil nabibili lahat ng kanyang gusto ng kanyang Ama.

Isang araw, dahil malapit na ang father’s day, ipinapakwento ng kanilang mga guro ang trabaho ng kanilang ama. At dahil nga may magandang katayuan sa buhay si Ben, masaya itong nagkukwento habang tahimik na nakikinig ang kaniyang mga kaklase.

Mula sa inggit na nararamdaman dahil sa mga narinig, napalitan ng kaba ang emosyon ni Dan dahil bigla siyang itinuro upang sunod na magbahagi ng kaniyang kwento tungkol sa kaniyang ama.

Naisip ni Dan na malayong-malayo ang itsura ng kaniyang ama kumpara sa sa ama ni Ben. Ang tatay nito ay may sasakyan at nakasuot palagi ng mamahaling damit- ngunit ang ama ni Ben ay nakasuot lamang ng luma at maduming damit, sakay ng kaniyang lumang bike, kapag ito ay nagdedeliver ng gas. Dahil dito, nagsinungaling si Dan at sinabing CEO rin ang kaniyang ama, at mayroon itong bagong sasakyan.

Dahil hindi kumbinsido ang kaniyang mga kamag-aral, sinabi ng mga ito na nais nilang makilala ang ama ni Dan sa nalalapit na father’s day celebration sa kanilang eskwelahan. Kinabahan si Dan sa narinig dahil natatakot siyang mabisto ang kaniyang kasinungalingan.

Nang malapit na ang araw ng selebrasyon ay umamin si Dan sa kaniyang ama tungkol sa kaniyang ginawa. Ngunit imbis na magalit ay nangako itong magiging maayos rin ang lahat. Kinabukasan, si Dan lamang ang walang ama sa selebrasyon. Masaya siya dahil hindi siya nahuling nagsisinungaling, ngunit nalulungkot rin siya dahil wala ang kaniyang ama doon.

Ngunit,ilang minuto pa ang lumipas ay dumating ang kaniyang ama at nakasuot ito ng mamahaling damit upang siya ay sunduin. May kotse rin itong dala kaya’t labis ang pagkagulat at saya niya dahil pakiramdam niya ay natutupad na ang kaniyang kahilingang maging mayaman.

Nang makaalis sa paaralan, napag-alaman ni Dan na hiniram lang pala ng kaniyang ama ang lahat ng mga damit at kotse nito mula sa kaniyang amo. Doon ay narinig niya ang pag-uusap ng dalawa na dadagdagan na lamang ng ama ni Dan ang kaniyang mga gas na idedeliver upang makabawi sa pagpapahiram ng gamit.

Narealize ni Dan na hindi tamang ikinakahiya niya ang trabaho ng kaniyang ama, sapagkat ginagawa nito ang lahat upang maitaguyod siya at ang kaniyang pag-aaral. Kahit mahirap ang trabaho, nagsusumikap ito para lamang mabigyan siya ng magandang buhay- at dapat ay maging proud siya sa lahat ng mga ginagawa nito para sa kaniya.

Loading...